Hindi Mo Ako Maloloko, Erza

2804 Words

Ngunit malakas na tumawa si Prince mula sa kabilang linya. At tila inaasar ako. At dahil sa labis na inis ko sa lalaki ay agad kong pinatay ang call nito. Peste talaga ang kurimaw na ‘yun. Gigil na gigil akong naglakad papunta sa harap ng mga pulis. Pagkatapos ay isa-isa ko silang tiningnan. Hanggang sa nalipat ang tingin ko kay Mr. Digno na duguan ang mukha. Pati tainga nito ay may sugat din. Napansin kong nanginginig ang buong katawan ng matandang lalaki. “Mr. Digno, huwag kang matakot na magsalita. Ngayon ay sabihin mo sa akin kung sinong bumugbog sa ‘yo.” Lalo naman akong nahabag nang makita kong may butil na mga luha ang lumabas ng mga mata nito. Hanggang sa isa-isa nitong itinuro ang limang pulis. Napansin ko rin habang nakataas ang kamay nito ay nanginginig ito sa takot. Bigla

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD