Kitang-kita ko ang gigil sa mukha ng babaeng kalaban ko dahil gusto nito na matalo ako sa laban. Ngunit hindi ko hahayaan na mangyari ‘yun. Saka mas mautak ako sa babaeng ito. Pinagalaw ko ang isang paa ko at ubod lakas kong sinipa ang binti niya ng dalawang beses. Mabilis naman itong napalayo sa akin. Ngunit sinundan ko nang saksak sa tagiliran nito gamit ang samurai na aking hawak-hawak. At isa pang malakas na pagtuhod sa mukha ng babaen ang ginawa ko. Dahilan kaya na hulog ito sa ibabaw ng sasakyan na tuluyan nang nawalan ng buhay. Sayang ito dahil magmda pa naman! Imbes na gamitin sa kabutin ang ibinigay ng buhay ng Diyos ay mas pinili pa rin ang umanib sa kasamaan.. Dali-dali ko namang binitawan ang aking samurai na hawak-hawak. Pagkatapos ay mabilis akong tumalon papunta sa motor