Nagsalubong ang kilay ni Prince habang nakatingin sa akin. At nababasa ko sa mukha ng lalaki ang inis na para bang nais akong sakalin. Hanggang sa magkakasunod itong napailing ng ulo. “Gusto mong malaman kung ilan lahat ng mga naging kasalanan mo sa akin, babae? Hmmm! Para sabihin ko sa ‘yo ay sobra 1000 ang kasalanan mo. Saka, ano’ng tingin mo nasa palengke tayo? At nais mong tumawad, Erza!” galita na patuyang sabi ni Prince sa akin. Nanlalaki ang mga mata ko nang marinig kong lampas 1000 ang kasalanan ko sa lalaking ito. Kaya pala sobrang haba ng papel na dala-dala nito. Tapos ayaw pa akong bigyan ng tawad kahit sana kaunti lang? Galit na tumingin ako sa lalaki. Ang sarap tusukin ng mga mata nito! Peste naman! “Paano kung sabihin ko sa ‘yong hindi ako papayag sa mga kabaliwan mo? Saka