Napahawak tuloy ako sa gilid ng lamesa. Masakit din pala sa dibdib lalo na kung sasabihin ni Inay na hindi naman niya ako Anak. “Ehelyn, ano ba iyang mga pinagsasabi mo kay Erza? Bawiin mo ang sinabi mo sa ‘yung anak,” anas ni tito Jay-Jay kay Inay. “Totoo ang sinabi ko Jay-Jay, hindi ko siya Anak. Dahil ang tunay ko pa lang anak ay patay na noong isinilang ko siya. At siya ay anak sa ibang babae ni Hero. Ang sakit sa dibdib na nag-alaga ako ng anak ng hayop na ‘yun sa ibang babae. Kung hindi ko pa nakita kahapon ang dating nagpaanak sa akin ay hindi ko pa malalaman ang tunay na pagkatao ng babaeng ‘yan. At niloko lang nila akong mag-Ama! Oo nga pala, kahit anong tago ninyo sa akin ng totoo ay sisingaw pa rin dahil walang lihim na hindi nabubunyag! Nakakatawa lang at sobrang tanga ko d