Parang gusto kong manapak ng tao habang papalabas ako ng classroom. Nakita ko naman ka agad si Prince at ito’y nakasandal sa pader at talagang hinihintay ako. Nagmamadali akong lumapit at nang tuluyan akong makapunta sa harap nito ay agad ko itong sinuntok sa sikmura niya subalit mabilis namang nahawakan ni Prince ang aking kamao. Ngumisi pa ang lalaki sa akin. Mayamaya pa’y bigla akong hinila ni Prince papalapit sa kanyang katawan kaya tuluyan nang nagkibit ang katawan naming dalawa. Dahan-dahan din nitong inilapit ang mukha niya sa akin ngunit mabilis ko itong itinulak. Nagpupumiglas din ako mula sa pagkakayakap niya sa akin. Nang tuluyan akong makalayo sa lalaki ay inis na inis akong tumingin sa Kurimaw. “Ano bang problema mo, Prince? Alam mo ginugulo mo ang aking plano. At dahil sa