Halos hindi ako kumurap habang nakatingin sa kay Kurimaw. Parang nalito ako sa mga pinaggagawa ni Prince. Hanggang ituro ng professor namin kung saan uupo si Prince. Ang masama pa'y magiging katabi ko pa si Prince Ang saklap naman. Wala naman yata na kakambal ang lalaki. Kaya alam kong siya si Prince ito. Humakbang ang lalaki papalapit sa katabi kong upuan ay nakikita ko ang pagtitig niya sa akin. Nahuli ko rin ang pagngisi niya sa akin. At mukhang nakilala pa yata ako ng bugok na ito. Umiwas ako ng tingin sa lalaki. Ngunit nakikita ko sa mga studeyanteng babae na kinikilig sila kay Prince. Kahit may salamin ito sa kanyang mga mata ay gwapo pa rin itong tingnan. Mas lalo ngang na dagdagan ang s*x appeal ni Kurimaw. Nakakapagtaka naman? Bakit kaya naligaw rito sa Anyas State University a