Muli akong napahinto sa paghakbang nang marinig ko ang boses ng lalaki, lalo na sa tanong nito tungkol sa nunal ko sa aking batok. Anak ng tinapa! Ang dami nitong napapansin sa akin, ah? Pati ba naman nunal ko? Nakakaloko naman ang kurimaw na ‘to. “Boss Prince, talaga naman na may nunal ako sa batok? Pati ba naman iyon sinisilip mo? Napaghahalata ka tuloy,” tuloy na litanya ko. “What do you mean, Pearl?” inis na tnong sa akin ni Prince ang muling magtanong sa akin. Ako naman ay hindi ka agad nakapagsalita, ngunit kagat labing bumaling ako kay Prince. Habang may ngising nakapaskil sa labi ko. “Wala po, boss Prince. Kalimutan mo na lang ang aking sinabi. Ikukuha ko na po kayo ng makakain mo,” anas ko sa lalaki. Hindi ko na ito hinintay na sumagot pa. Nagmamadali na akong pumunta sa kusin