Ngunit hindi pinansin ni Prince ang pag-alok ng alak sa kany. Tuloy-tuloy pa rin itong lumapit sa akin habang nanlilisik ang mga mata ni Kurimaw. Pagkatapos ay agad na hinawakan ang aking braso at hinila ako patayo sa aking kinauupuan. "Excuse me, I'm going to take home my sister!" mariing sabi ni Prince sa mga kainoman ko. Pagkatapos ay dali-dali niya akong hinila papunta sa kotse nito. Hindi na lamang ako nagsalita. At sumama na lamang dito. Agad akong ipinasok sa loob ng kotse nito at malakas na ibinagsak ang pinto ng sasakyan. Agad kong binuksan ang bintana ng kotse para kumaway sa mga kainoman ko. “Sa susunod na lang tayo mag-inoman!” sigaw ko pa sa mga kainoman ko at kumaway pa sa kanila. May sasabihin pa sana ako ngunit biglang sumara ng bintana ng kotse ni Kurimaw. Ininis tuloy