Tagaktak ang pawis ko dahil sa tindi ng sakit sa aking tagiliran. Ngunit hindi ako magpapatalo rito. Pa-simple kong kinuha ang punyal na nasa aking hita. Hindi lang ito basta punyal dahil ang punyal na ito ang nakakamatay, kahit na sabihin pang malakas ang isang tao ay walang makakatalo rito. Ito ngayon ang bagong labas na gawa ng secret weapon ng bansa. Lahat ng agent ay binigyan na nito ni boss Zach. Agad kong pinisil ang punyal sa gilid. Hanggang sa bigla akong umarap sa aking kaban at basta ko na lang itong sinaksak sa dibdib. Hindi ko hinugot ang punyal sa katawan nito. Hinayaan kong nakabaon doon ang punyal. Ngayon ko malalaman kung anong silbi ng punyal na gawa ng secret weapon ng bansa. Ngunit biglang napaawang ang aking bibig nang makita kong unti-unting naaagnas ang katawan ng