Mas lalo naman akong natawa dahil sa pagbabanta ng walanghiya kong Ama. Akala siguro nito ay basta na lang akong matatakot sa kanya! “Talaga? Papatayin mo akong Ina. Subukang mo lang, Mr. Silva, dahil naka-record lang naman ang lahat ng mga pinag-uusapan natin,” anas ko rito. Talagang ini-record ko ang pinag-uusapan namin. Pasensyahan na lang dahil mas matino ako sa kanya. Napansin kong hindi ka agad nagsalita ang Ama ko mula sa kabilang linya. Pero ramdam ko ang gigil nito sa akin. Siguro kung kaharap lang niya ako, nakakatiyak akong nasampal na ako nito. Hanggang sa muli akong nagsalita. “Hindi ako nagbibiro, Mr. Silva. Gusto mo bang marinig?” Sabay pindot ko ng button para iparinig ang usapan naming dalawa. “Hayop ka, Erza!” galit na sigaw ni Itay mula sa kabilang linya. “Mana la