Mahigpit kong hinawakan ang kamay ng Itay ko. Ngunit parang hindi na ito katulad ng normal na tao na mainit ang balat. Tila ba unti-unti na itong binabalot ng lamig sa buong katawan nito. Kaya labis akong natakot sa mga nangyayari rito. “E-Erza, pa-palagi kang mag-iingat, mahal na mahal kita anak ko!” narinig ko pang anas ng Itay. Mas lalong bumaha ng luha ng aking mga mata dahil mas lalong nanginginig ang buong katawan nito. Kahit na may mga doctor na ang nakapalibot dito. Agad din akong pinalabas muna ng doctor. Ayaw ko pa sanang umalis ngunit sa labas na lang daw ako maghintay ipanatag ko raw ang aking kalooban at huwag matakot baka raw makuhanan ako ng dugo. Nang nandito na ako sa labas ay hindi naman ako mapakali. Lalo at puno ng pag-aalala sa aking isipan. Mayamaya pa’y natanaw