Nang lumapat ang gulong ng motor sa lupa ay agad ko itong kinabig papunta sa kaliwa. Para salubungin ang iba ko pang kalaban. Mabilis din akong yumuko para hindi matamaan ng bala ng baril. Kinuha ko rin ang aking karayom at mabilis kong pinitik papunta sa mga kalaban ko at isa-isa silang bumagsak sa lupa. Hanggang sa makit ko ang isang malakinng truck at balak akong sagasan. Ngunit hindi ako umiwas, bagkus ay sinalubong ko rin ito. Ilang beses pa nga akong naghithit at buga ng sigarilyo na nasa aking nguso nakalagay. Pagkatapos ay mas lalo kung pinabilis ang motor. Wala akong takot sa malaking truck. Saka, bakal lang siya at tao ako. Alam kong isa rin ito sa mga gustong patayin ako. At nang malapit na ako sa unahan ng truck ay walang takot akong tumayo mula sa ibabaw ng motor at ubod