Anak ng tinapa naman, oh! Bakit ba palagi ko na lang nakikita ang kurimaw na ‘to? Kahit saan ako pumunta ay parang nakasunod ito sa akin. Stalker ko yata ang kurimaw na ‘to, ah? “Grrrr! Kainis naman, oh…” bulong ko pa. Ngunit hindi ako nagtangka na lumingon kay Prince. Nag-iisip ako ng dahilan para makatakas sa lalaki. “Kung saan-saan kita hinanap nandito ka lang pala sa kalye! Para kang lalaki, hindi ka man lang marunong matakot, nakikita mong gabi na, ‘di ba?!” galit na sermon ni Prince sa akin. At narinig kong tuloy-tuloy na itong humakbang papalapit sa aking kinaroroonan. Ngunit hindi ko hahayaan na makalapit ito sa akin. Kaya naman mabilis pa sa ipo-ipo akong tumakbo papalayo kay Kurimaw. Sana lang ay hindi na ako habulin ni Kurimaw. “Erza!” malakas na pagtawag sa akin ni Kurimaw.