Agad kong hinawakan ang lubid sa aking leeg. Para hindi ako tuluyang masakal. Pinilit ko ring pinatigas ang aking katawan upang hindi ako madala lalo at hinihila ako nito papalapit sa kanya. Alam kong kapag nakalapit ako sa kanya ay roon niya akong tutuluyan na patayin. Mayamaya pa’y nakarinig ako na may papalapit sa akin. Hanggang sa makita ko ang dalawang lalaking papalapit at balak akong suntukin. Kaya naman inunahan ko na sila. Mabilis kong inangat ang isang paa ko at magkakasunod ko silang sinipa sa leeg. Ngunit nagpumilit din akong hindi madala ng lubid lalo na’t panay ang hila sa akin ni Itay gamit ang lubid nito. Pero kailangan kong makaalis dito. Dahil hindi pa ito ang oras ko para mamatay. Mas lalong hindi si Itay ang makakapatay sa akin. Hanggang sa inangat ko ang aking kamay