Narinig kong naglakad sila papunta sa mga boxer at brief na kung saan ko inilagay ang mga ito. Ako naman ay dahan-dahan na umalis sa aking pinagtataguan. Ngunit balak kong sumunod sa kanila, nais ko ring malaman kung makikilala ba ni Prince ang mga gamit niya. Ngunit ang tanging dasal ko ay sana ay hindi nito makilala. Ngunit hindi ako aamin dito. Kahit kailan ay never na umamin ng isang Erza Silva! Nagtago ako sa likod ng mga mannequin, hindi naman ako basta makikita rito dahil mga damit din ito. At dito ay natatakpan ako. Maliban na lang kung lalapit dito sa aking pwesto at makikita talaga ako. “Puwede ka na pong pumili, Sir,” anas ng aking sales lady. Wala naman akong narinig na salita sa lalaki. Nakita kong mataman nito tinitingnan ang brief at boxer. Ngunit wala pa ring salita sa b