(ERZA’S POV) Galit na galit ako habang naglalakad para makabalik sa aking bahay. Mabuti na lang talaga at hindi ako dumaan sa gate. Dahil sa ibabaw ng pader ako dumaan. Gusto ko lang makatiyak na nagsasabi ng totoo ang Kurimaw na ‘yun. Saka, naisip ko rin kung may tama ito ng bala ng baril dapat may mga ambulance na at dinala ito sa hospital. Saka hindi ito basta mababaril dahil marami itong tauhan. Kaya hindi niya ako maloloko ng basta-basta lang. Akala niya, ah! Ayon nakatikim tuloy siya sa akin. Mabuti na lang at hindi ito gumanti ng suntok. Ang laki pa naman ng kamao nito. Ngunit hindi ko hahayaan na mangyari ‘yun. Ano ako bali? “Ms. Erza!” Mabilis akong lumingon nang marinig ko ang boses ng tauhan ni Prince. At nakita kong nagmamadali silang tumakbo papalapit sa akin. Aba! Muk