Tumingin ako kay Starla at kitang-kita ko sa mga mata nito ang galit sa akin. Ngunit tuwang-tuwa naman ang isip ko. Lalo at kuhang-kuha ng mga reporter ang ginawa nitong pananampal sa akin. Hanggang sa taas noo akong tumingin sa babae. “Dapat nga ako ang magalit dahil sa ginawa ninyo sa kakambal ko. Ngunit titiyakin kong makukulong ka kasama ng Ama mo at kapatid mo!” anas ko. Ngunit pinilit kong maiyak ng malakas. Para maraming maawa sa akin. “Dapat ikulong na ‘yan!” biglang sabi ng isang babae. Pagkatapos ay binuhusan pa ng tubig si Starla. “Mga hayop kayo!” sigaw ni Starla. Lalo na sa nagbuhos ng tubig dito. “Tama! Dapat ikulong ang mga ganiyang tao. Huwag nang palabasin ng kulungan para hindi pamarisan ng iba! Ikulong si Starla Anyas! Ikulong-ikulong na siya!” malakas na sigaw ng