“WALA po rito si Inay. Sasabihin ko na lang po kay Inay mamaya kapag dumating siya, Aling Paseng,” anas ng aking kakambal. “Hindi! Kahit wala ang Inay mo. Basta magbayad kayo. Sa utang ninyo sa akin!” sigaw na ng babae. “Magbayad na lang kayo, Erika. Iyan ang hirap kapag umuutang. Tapos ang hirap singilin,” narinig kong singit ng isang lalakk. “Paano po kami makakabayad, kung panay naman ang dagdag sa utang namin. Lalo lang kaming mababaon sa utang,” sagot ng aking kakambal. “Wala akong pakialam kung wala kayong pera. Ibenta mo ang katawan mo para makabayad ka. Ay tamang dahil may kakilala ako na tao na mga bumili ng mga babae. Puwedeng ka roon! Mas maganda kung sumama ka na sa akin ngayon din” Dahil sa aking narinig ay mabilis akong naglakad para pumunta sa mga taong nag-uusap. Bigl