Ngunit mabilis akong tumingala dahil sa taong nasa ere at balak tagpasin ang aking ulo. Agad kong kinabig papunta sa kaliwa ang aking motor para maiwasan ang pag-ataki nito. Peto itinaas ko ang aking baril at magkakasunod kong kinalabit ang gatilyo ng baril ko. Mayamaya pa’y para itong ibon na bumagsak mula sa langit dahil tinamaan ng baril ko. Hininto ko rin ang motor ko para pasukin ang bahay na aking natatanaw. Walang takot na sinalubong ko ang mga kalaban na papalapit sa akin. Maliksi akong umikot sabay hampas sa mga leeg ng mga kalaban ko. Subalit mabilis din akong tumalon papunta sa damuhan dahil balak akong paulanan ng bala ng isang lalaki. Agad ko namang kinuha ang aking granada. Nang maalis ko ang pin ay basta ko na lang ibinato sa kanila. Rinig na rinig ko ang malakas na pagsab