INIS NA TUMINGIN ako kay Prince. Dahil wala itong karapatan na buklatin o pakialam ang aking bag na walang pahintulot mula sa akin. “Kung gusto mo ng droga na ‘yan, sige, sa ‘yo na. Saka, sino ka ba para pakialaman ang aking gamit? Hindi naman kita kapatid. Mas lalong ayaw kitang maging kuya ko! Puwede ba lumabas ka na ng kwarto na ‘to! Labas!” malakas na sigaw ko sa lalaki. Ngunit nakita kong umiling-iling ito sa akin. Hanggang sa humakbang ito papalapit sa aking pwesto. Mabilis naman akong napaurong para hindi nito malapitan. Ngunit wala na akong maatrasan dahil kama na ang nasa likod ko. Mahigpit ko ring hinawakan ang tuwalya na nakabalot sa aking katawan. Baka kasi bigla itong matanggal. At makita pa ni Prince ang hubad kong katawan. Mas lalong nakakahiya. Mayamaya pa’y nanlalaki