“Sorry po, kuya, Prince,” anas ko sa lalaki. Ngunit nakita ko si Leda na pinipigilan ang pagtawa ng nakakaloko. Tumingin din ako kay Inay at nakita kong natatawa lamang ito. Hanggang sa magsimula na kaming kumain. Panay naman ang kwento ng Inay ko at kami ay nakikinig lamang sa kanya. Si Prince naman ay hindi pa rin maipinta ang mukha at tila ba asar na asar sa amin ni Leda, minsan kasi kapag may sasabihin si Leda ay bubulong pa sa akin. Hanggang sa matapos kaming kumain. Agad naman kaming dinala ni Inay sa sala para makapag-kwentuhan. Tuwang-tuwa kasi si Inay kay Leda o aka Puknoy dahil magalang daw na bata. Hanggang sa iwan muna namin si Puknoy rito sa sala dahil may ibibigay sa akin si Inay. Sa kwarto ni Inay kami pumunta. Alam kong may sasabihin rin ito sa akin kaya niyaya rin ako