Athena Fraye Escobar pov's (stolen moments) Medyo sobrang upset talaga ako,dahil sa biglaang pag alis ni Heiross sa bansa.Ni hindi manlang siya nagpaalam sa akin nang personal. Kaya pala hindi niya ako nasundo nung gabing bumabaha,dahil yun mismo ang araw nang pag alis nito. Hindi ko lang maintindihan kung bakit inilihim niya pa sa akin.Nalaman ko nalang sa Iba na nasa ibang bansa na pala ito. Kung minsan,nahihiwagaan na din talaga ako kay Heiross,pilit ko lang binabalewala iyon.Dahil syempre,ayaw kong pag isipan ito nang masama.Mahal ko si Heiross at ayaw kong gumawa nang bagay na ikakasira namin. Ayaw kong gumawa nang bagay na ikakasira namin.... Ayaw kong gumawa nang bagay na ikakasira namin... Ayaw kong gumawa nang bagay na ikakasira namin.... Ang katagang paulit ulit na umi-