CHAPTER 10: Discharge na si Xanthi

2010 Words
TATLONG araw ang nakakalipas nang mulang magising ako sa mahimbing kong pagkatulog sa isang buwan din na iyon. “Ate Myra, hindi pa po ba ako pʼwedeng umuwi?” pagtatanong ko sa kanya. Nagbabalat siya ng apple para kainin ko. “Miss Xanthi, sabi ni maʼam Kyla kanina ay kakausapin pa niya raw ang doctor niyo para makauwi na kayo. Alam naman po naming nababagot na rin kayo rito,” sagot niya sa akin. “Kumain na po muna kayo ng mansanas para lumakas na po muli ang katawan niyo. Ang dami rin naming ituturo sa inyo muli, lalo na ang mga tao sa bahay niyo.” Tumango ako sa kanya. Wala talaga akong maalala maliban sa sarili ko at maging sa parents ko, pʼwera roon ay malabo na sa akin. “Sige po. Nababagot na po kasi ako rito at inaalala ko po iyong mga manok ko. Baka namimiss na rin nila ako,” sambit ko sa kanya. “Miss Xanthi, hindi pa rin kayo nagbabago. Ang inaalala niyo pa rin ang mga manok niyo... Magpalakas po muna kayo at saka niyo alalahanin ang mga manok niya. Ginagawa na ni Gio ang makakaya niya para alagaan ang mga iyon,” saad niya sa akin at binigay ang apple na binalatan niya. Napangiti ako sa sinabi niya at kinain ko na ang mansanas na binigay niya sa akin. Sana talaga makalabas na ako sa hospital, bago na bagot na akong mamalagi rito. Bandang alas-diyes ng umaga nang dumating si mommy. Nakita ko ang maaliwalas niyang ngiti kaya napatingin ako sa kanya. “Mommy, may good news po ba?” tanong ko sa kanya. “Darling, makakalabas ka na bukas sabi ng doctor mo!” nakangiting sabi niya sa akin, na siyang pagngiti ko rin nang malaki. “Seryoso po ba, mom? Pʼwede na po ako umuwi bukas?” naniniguradong tanong ko sa kanya. Gusto ko na talagang malaman kung pʼwede na. Baka kasi maudlot na naman. Hinawakan ni mom ang aking magkabilang pisngi at hinaplos iyon. “Yes, darling, pwede ka nang makalabas bukas. Iyon ang pinag-usapan namin ng doctor mo. May sinabi lang siya sa akin na dapat hindi ka pʼwedeng mapagod, hindi ka dapat ma-stress at higit sa lahat hindi mo pʼwedeng kalimutan ang gamot at vitamins mo para muli kang makaalala, Xanthi. Kaya intindihin mo kami ng daddy mo kung may ipagbabawal kami sa iyo, ha?” mahinahon niyang sabi sa akin. Tumango ako sa kanyang sinabi. “Promise po, mommy, hindi po akong magpapagod! Saka po, ang gagawin ko lang naman po sa bahay ay alagaan ang mga manok ko po. Kaya pangako hindi rin ako ma-i-stress at iinumin ko palagi on time ang aking gamot at vitamins,” nakangiting sabi ko sa kanya habang nakataas ang aking kanang kamay. “Wait lang, darling, manok na naman ang iniisip mo agad... Hayaan mo muna si Gio ang mag-alaga sa mga iyon,” sabi niya sa akin. “Maʼam Kyla, ganyan po ang sinabi ko kay Miss Xanthi. Walang bukambibig kung ʼdi ang mga alaga niyang mga manok,” sabat ni ate Myra kay mom. “Mom... Hindi ko po alam... Pero, every time ay naiisip ko po ang mga manok ko... Kaya pakiusap po na pʼwede kong alagaan sila kahit one hour lang po? Magpapakain lang po ako sa kanila, iyon lang ang gagawin ko,” mahinang sabi ko sa kanila. Hindi ko alam pero kating-kati talaga akong makita ang mga manok ko. “Saka, kayo rin naman po ni daddy ang dahilan kung bakit napamahal din ako sa mga manok. Business po natin ay poultry, ʼdi ba po?” sabi ko sa kanya. Narinig ko ang pagbuntong hininga ni mommy sa akin at tumango siya. “Okay, Xanthi, isang oras lamang ang ibibigay ko sa iyo para alagaan ang mga alaga mo, naiintindihan mo ba ako?” seryosong sabi ni mom. Ngumiting tumango ako sa kanya. “Opo, mommy, naiintindihan ko po. Isang oras po para sa mga manok ko at magpapahinga po ako nang maayos para bumalik ang lakas ko.” “Pangako iyan, darling, ha?” Tumango ako sa kanya at nakita ko ang pagtingin niya kay ate Myra. “Myra, bantayan mo si Xanthi kapag nasa alaga na siya ng mga manok niya. Isang oras lamang ang dapat niyang itatagal doon. Kapag isang oras na ay ibalik mo na siya sa room niya, kahit anong mangyari,” bilin niya kay ate Myra. “Masusunod po, maʼam Kyla, susundin ko po ang payo niyo sa akin. Ako po ang bahala kay Miss Xanthi.” Napalunok ako sa sagot ni ate Myra, mukhang susundin niya ang utos ni mom na isang oras lamang. Kinabukasan, ngayon na ang araw ng discharge ko sa hospital. Malaki ang aking ngiti dahil aalis na ako sa private room ko ngayon at babalik na ako sa bahay namin. Namimiss ko na ang mga alaga kong manok. “Xanthi, come here,” utos sa akin ni daddy at tinapik ang wheelchair na dala niya. Tinignan ko iyon pero nakatingin din si daddy sa akin. “Hindi ka pʼwedeng mapagod, anak, kaya maupo ka na rito sa wheelchair at itutulak kita hanggang sa car natin, nasa tapat na si Carlito para ihatid tayo sa bahay, gusto ka na rin niyang makita kung maayos na ba talaga ang lagay mo. Humihingi rin siya ng sorry sa iyo,” mahabang sabi ni daddy sa akin. Tinulungan niya akong maglakad kahit hindi naman ako nahihirapan. Pinaupo niya ako sa wheelchair na dala niya. “Carlito po, daddy?” tanong ko sa kanya. “Yes, anak, siya ang kasama mo nang ma-aksidente ka. Hindi naman siya napuruhan ng ma-aksidente kayo dahil sa mismong side mo tumama ang hood ng van. Sobrang kinakabahan siya nang tawagan niya kami ng ma-aksidente kayong dalawa. Nang makapunta kami sa hospital kung saan kayo dinala ay halos duguan din siya dahil sa dugo mo at sa sugat niya sa kanyang noo, ayaw niya raw sumama sa nurse habang hindi niya nalalaman kung maayos na ba ang lagay mo. Pinilit lamang namin siya at sinabing hindi niya kasalanan ang nangyari sa iyo... Palagi siyang nagtatanong kung mabuti na ba ang lagay mo, isa rin siya sa nag-alaga sa mga manok mo dahil magagalit ka raw kapag pinabayaan ang mga alaga mo,” nakangiting sabi ni dad sa akin. Napangiti ako dahil sa sinabi niya. “Gusto ko na makita si Carlito, dad. Gusto kong sabihin sa kanyang hindi niya kasalanan para hindi na po siya ma-guilty sa nangyari sa akin. Maayos na rin naman na po ako at wala pong masakit sa katawan ko po,” sabi ko sa kanya. “Iyon ang pinagtataka ng mga doctor, anak. Himala raw na nabuhay ka at walang natamong malubhang tama nang mabangga ang kotse niyo. Kaya naniniwala ang mga doctor na sinave ka ng guardian angel mo.” Napataas ang tingin ko kay dad at ngumiti. “Guardian angel? Siguro nga po, dad, dahil marami akong mga manok... ʼDi ba po, sa langit nandoon si San Pedro? May manok po si San Pedro, siguro nakita ni San Pedro na hindi ko pa po oras kaya ligtas po ako! Kaya aalagaan ko pa po lalo ang alaga kong manok!” sabi ko sa kanya. Narinig ko ang pagtawa ni dad sa akin. “Ikaw talaga, anak, ang lawak ng imagination mo,” sambit niya sa akin. “Daddy, hindi ako nagsisinungaling... Ikaw na po ang nagsabi kanina na himala po na wala akong gaanong malubhang galos sa katawan ko, except sa pagkakaroon ko ng selective amnesia po. Kaya prinotektahan ako ng guardian angel ko... Kung nasa paligid ko man siya ngayon, sobrang thankful ako sa kanya dahil niligtas niya ako at binalik sa piling niyo dad!” “Oo na, anak. Ang importante sa amin ng mommy mo ay ligtas ka at hindi mo kami iniwan. Mahal na mahal ka namin, our Xanthi.” Hinawakan ni dad ang aking buhok. “Lahat ay ibibigay ni daddy sa iyo, kaya pinapalago ko pa ang business natin para sa iyo.” Napangiti ako sa sinabi ni daddy. “Kapag gumaling na po ako, tutulungan ko na po ulit kayo sa work niyo. Papalaguin pa po natin ang business nating poultry and fresh chicken and eggs po!” sabi ko sa kanya. Hindi ko bibiguin sina dad and mom. Dumating na kami sa house namin, napanganga ako nang makita ang kabuuan ng bahay namin. “D-dito po ako nakatira, dad and mom?” tanong ko sa kanila. “Yes, darling, heto ang bahay natin at magiging bahay mo rin dahil lahat ng ari-arian namin ng dad mo ay sa iyo namin ipapamana. Isa rin ba ito sa hindi mo maalala?” malungkot na tanong ni mommy sa akin kaya tumango ako sa kanya. “Anak, kami ang bahala sa iyo... Sasamahan ka namin palagi, ha? Sa amin ka magtanong ng mom mo kapag may hindi ka naaalala.” Ngumiting tumango ako sa kanila. “Okay po, dad and mom!” sagot ko sa kanila. Huminto na ang sinasakyan naming kotse, halos tatlong minuto rin bago kami nakarating sa main door. “Come on, Xanthi. Nandito na silang lahat para salubungin ka nila,” nakangiting sabi ni dad sa akin at inalalayan niya kaming bumaba ni mom. “Maligayang pagbabalik, Miss Xanthi!” “Sobrang namiss ka po namin!” “Aalagaan ka namin, Miss Xanthi!” “Sobra po kaming nag-alala sa iyo!” Napangiti ako sa kanilang sinabi, binila ko silang lahat na nasa harapan ko, bale sampu silang lahat. “Maraming salamat po... Hindi ko man po kayo makilala dahil may selective amnesia po ako ay sobrang nagpapasalamat po ako sa pag-aalala niyo sa akin. Pasensya rin po kung pinag-alala ko rin po kayo,” sabi ko sa kanila. “Wala po iyon, Miss Xanthi!” “Handa po ulit kami magpakilala sa iyo!” “Ako na po ang mauuna sa kanila,” saad ni ate Myra. “Ako si Myra, ang yaya mo simula noong baby ka pa, Miss Xanthi. 18 years old ako nang mamasukan ako sa pamilya niyo kaya hindi kita iiwan, Miss Xanthi.” Napangiti ako sa kanya at nakita ko ang pagtulo ng kanyang luha. “Ako naman po si Flor, ang taga-luto sa pamilya niyo, Miss Xanthi. Ang favorite niyo po ay ang dinuguan na niluluto ko at ang mango graham naman para sa dessert. Sabihin niyo lang sa akin kung anong gusto niyong pagkain, Miss Xanthi, ako na po ang bahala roon.” “Miss Xanthi, Gio po ang nag-aalaga sa mga alaga niyong manok. Huwag po kayong mag-alala, maayos po ang lagay ng mga manok niyo po.” Napangiti ako sa sinabi niya. “Salamat sa pag-aalaga sa kanila, Gio!” Siya pala si Gio, ang bata pa niya. Ilang taon kaya siya? “A-ako naman po si Carlito, Miss Xanthi. Sorry po kung dahil sa akin ay na-aksidente kayo. Sorr—” “Kuya Carlito, huwag po kayong mag-sorry, wala po kayong kasalanan lalo naʼt aksidente po iyon. Kahit anong ingat niyo po kung ang iba pong driver ay hindi nag-iingat, ma-a-aksidente pa rin po tayo. Salamat po at hindi rin kayo napuruhan. Kayo pa rin po ang driver ko, ha?” nakangiting sabi ko sa kanya. “Pangako po, Miss Xanthi, iingatan ko kayo!” malakas niyang sabi kaya nagtawanan ang iba. Isa-isa na rin sila nagpakilala hanggang matapos silang lahat sa secretary ni dad na si kuya Vinz. “Maraming salamat po sa pag-welcome po sa akin. Katulad po ng sinabi ko kanina, pasensya na po kung pinag-alala ko kayo. Ang importante po ay ligtas po ako at nakauwi na muli. Thank you po!” nakangiting sabi ko sa kanila. Sobrang sarap ng pakiramdam nang makitang nakangiti rin sila sa akin. Nakabalik na ako sa bahay namin. Sana bumalik na rin talaga ang ibang alaala ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD