CHAPTER 1: Her Time of Death. . .

1604 Words
NAKIKITA ko ang lahat ng nangyayari ngayon sa paligid ko. Nagkakagulo ang mga doctor at nurse sa paligid ng isang babaeng nakahiga sa puting kʼwarto. Hindi ko makita ang mukha niya dahil napapaligiran siya. Lumapit pa ako sa kumpulan upang makita kung anong ginagawa ng mga taong nakasuot ng puti sa babaeng nakahiga, pero nanigas ang aking katawan nang makitang kamukha ko ang babaeng nasa kama. “Call her family!” Narinig ko ang malakas na boses ng isang doctor, na siyang paglabas ng isang nurse na lalaki. “Kamukha ko iyong babae. Kakambal ko ba siya?” saad ko sa aking sarili. Nakita ko ang isang doctor na may kung anong nilagay sa dibdib at biglang tumalbog ang dibdib ng kamukha ko. Sino ba siya? Kamag-anak ba namin siya? “Miya! Miya! Please, lumaban ka!” Miya? Teka, pangalan ko iyon, ʼdi ba? “Ate Miya, please fight for your life... Para sa amin at sa kambal mong anak!” “Ate Miya, Iʼm sorry, pangako ay mag-aaral akong mabuti. Maaga na rin akong papasok para hindi mo na ako gisingin.” “Ate Miya, I need you pa po for my wedding with Jeppy.” Napalingon ako sa likod ko nang makita ang anim na tao sa labas ng room na kinalalagyan ko. Nakita ko ang kanilang mga mata na lumuluha? Lumuluha? Bakit pati ako umiiyak na rin? “Miya, mommy, please, fight... Lumaban ka para sa amin. Hindi namin kaya mawala ka sa amin... Nangako ka pa sa amin na bubuo pa tayo nang malaking pamilya natin, hindi lamang tatanda pa tayong apat at papanooring ang mga anak natin na lumaki at magkaroon din ng pamilya... So, please, Miya, lumaban ka!” sabi ng lalaking naka-salamin sa mata. Lumapit ako sa kanila at pilit kong inaalala ang nangyari. Kung hindi ko kakambal ang nakahiga ngayon at lumalaban sa kamatayan, ibig sabihin bang patay na ako? “Hello! Hello, nandito ako! A-ako iyong tinatawag niyong Miya! Hello! Hindi niyo ba ako nakilita?” malakas na sabi ko sa kanila at kakalampagin ko sana ang bintana para mapansin nila ako, pero tumagos ako. “T-tumagos ako? P-paanong tumatagos ako?” kausap ko sa aking sarili at nakita ko ang aking sarili na nasa labas naʼng room kung nasaʼn ako. Napatingala ako at nakita ko ang salitang ICU sa itaas. Nasa ICU ako. Pilit kong inaalala kung bakit nasa ICU ako kung ako man ang babaeng nakahiga roon at hindi ko kakambal, inaalala ko rin kung sino ang mga taong nandito. “Ate, nasabi mo na po ba kila kuya ang tungkol dyan?” Napalingon ako kay Nene habang naghihintay na mag-green ang stoplight pero mukhang malabo rin kaming umandar dahil sobrang traffic sanhi ng sobrang lakas nang pagbuhos ng ulan. Hinaplos ko ang aking tiyan. “Hindi pa, Nene. Mamaya ko pa lang sasabihin sa kanila. Anniversary namin mamaya kaya magluluto ako para sa inyo, darating din sina Jasmine at Jeppy.” Nagtext kasi sa akin si Jasmine na pupunta sila sa bahay. Tumango ito sa akin. “Mukhang magiging masaya sila Kuya mamaya, Ate.” Nakita ko siyang humikab. “Nakakaantok, ate Miya.” Tumingin ako sa kapatid ko at pumupungay ang kanyang mata. “Matulog ka muna. Mukhang traffic pa dahil sa ulan.” Binaba ko ng kaunti ang kanyang upuan at ni-reclained para makahiga siya. Green lights na pero hindi pa rin umuusad. Na-traffic na nga kami. Tinignan ko ang kapatid kong tulog na. Mukhang inantok dahil sa exam at sa lamig ng panahon. Ngayon pa kasi lumakas ang ulan kung kailan pauwi na kami. Umusad ang mga sasakyan sa harap namin. Usad pagong tinalo pa ang nasa EDSA. s**t, bakit ako kinakabahan? Bigla na lang akong kinabahan nang walang dahilan. Kinuha ko ang aking phone at di-nial ang number ni Jix. “Hello, baby? Nasa bahay na ba kayo ni Nene?” bungad na sabi sa akin ni Jix. “Hello, Jix? Ayos lang ba kayo d'yang tatlo? Nandito pa kami sa kalsada. Traffic dahil sa sobrang lakas ng ulan,” sagot ko rito. Nakahinga rin nang umusad ulit ang mga sasakyan sa harapan ko. “Weʼre okay naman, baby. Ayos kaming tatlo rito. May inutos sa amin si Dad... Sobrang traffic nga, baby, dito sa bintana namin kita ang traffic sa may Ortigas. Magpahinga ka pagkauwi.” He's sweet. Lahat naman sila. “Okay po. Sige na Jix, umusad na ulit. Babye!” “Okay, babye! I love you!” “I love you too—” Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang may humarurot na kotse sa kaliwa ko at nakita ko na lang ang pagsalpok sa amin ng ibang sasakyan kaya agad kong prinotektahan ang kapatid kong natutulog ngayon. “Miya! Anong nangyayari?” “Baby? What happened?” Napaupo ako nang maalala ang mga nangyari. “N-namatay ako? Namatay ako dahil sa car accident? P-paanong nangyari iyon? A-ang baby ko... A-anong nangyari sa baby ko?” naiiyak na sabi ko habang bumubuhos na ang luha ko sa magkabilang pisngi ko. Bumabalik ang mga alaala sa aking isipan. Ang mga alaala na mukhang na-sealed na dahil namatay na ako. “Jix, Jim and Jin, n-nandito ako... Nandito ako sa harapan niyo!” malakas na sabi ko sa kanila at pilit silang hinahawakan pero tumatagos lamang ako. “Nene! Jeppy and Jasmine, huwag kayong umiyak! Nandito ako sa gilid niyo! Bakit hindi niyo ko nakikita?” Pinunasan ko ang aking luha at pumasok sa loob ng ICU. Nakita ko ang aking katawan doon na hanggang ngayon ay ni-re-revive ng doctor. Pinilit kong humiga sa katawan ko pero inaalis din ako, may kung anong barrier sa aking katawan kaya hindi ako makapasok. “Hindi ka na makababalik kahit anong gawin mo.” Napatigil ako sa pagtalon sa aking katawan nang may marinig akong boses. Napalingon ako at nakita ko ang isang manok. “S-sino ka? I-ikaw ba ang nagsasalita?” pagtatanong ko sa kanya at tinuro siya. “Sino pa ba ang nandito, tao, ha? Ako lang naman ang nasa harapan mo!” sabi niya sa akin at lumipad siya. Napatiling ang aking ulo pa-kanan. “Nakalilipad pala ang mga manok? Wow!” bulalas na sabi ko sa kanya. “Hindi lang ako ordinaryong manok, tao! Saint chicken ako! Bago pa tayo lumayo sa pinag-uusapan natin, hindi ka na makababalik pa sa katawan mo. Patay ka na.” Napasinghap ako sa sinabi niya. “Hindi pa ako patay... Ni-re-revive pa nila ako! Ang kailangan ko lang ay makapasok sa katawan ko at boom, mabubuhay na muli ako!” malakas na sabi ko sa kanya. Gawin ko kaya siyang tinola! “Kapag sinabi kong patay ka na. Patay ka na. Mamayang 9:23PM, i-a-announce nila ang kamatayan mo sa mga taong nasa labas. Ilang buwan ka ng patay, Miya Apodar Lazaro... Ang purpose mo na lamang kaya bumalik ang heartbeat mo ay para ilabas ang supling sa tiyan mo, nanganak ka na... Kambal, isang lalaki at babae. Kaya tapos na ang mission mo rito sa lupa, tao. Kailangan mo ng bumalik sa itaas.” Umiling ako sa kanya. “No. Kailangan pa nila ako. Kailangan pa ako ng asawa ko at ang sinasabi mong kambal na anak ko. Manok, kailangan kong makabalik! Kailangan ko silang alagaan. I-iyong mga kapatid ko, mga bata pa sila. Kinuha na nga sa amin ang mga magulang at isa kong kapatid, pati pa ba ako? Kailangan ko bumalik sa kanila!” naiiyak na sabi ko at nag-try muli akong pumasok sa katawan ko pero binabalik din ako. Tinuka niya ako sa aking ulo. “Hindi ako Diyos para buhayin ka muli. Taga-sundo lang ako na kailangan kang ibalik sa itaas... Gusto mo ba talagang mabuhay?” pagtatanong niya sa akin. Tumango ako sa kanya. “Gusto kong mabuhay, manok! Gusto kong makabalik sa kanila. Gusto kong alagaan ang anak, asawa at mga kapatid ko. Gusto ko muli silang makapiling. Lahat gagawin ko para makasama sila!” nakikiusap na sabi ko sa kanya at lumuhod na ako. “Oh siya, kung gusto mong mabuhay, hindi dapat ako ang kinakausap mo. Nasa itaas ang need mong kausapin para mabuhay ka muli. Titilaok!” “Nasa itaas? Ang God ba?” pagtatanong ko sa kanya. Tinignan lamang niya ako at muling tumilaok. “Tignan mo na lamang ng sariling mga mata... Sa ngayon ay i-a-announce na sa pamilya mo ang kamatayan mo,” saad niya sa akin. Napatingin ako sa likod ko at lumabas ang doctor. Sumunod ako sa kanya. “Iʼm Mr. Lazaro, ginawa na namin ang lahat ng makakaya namin, pero hindi na kinaya ni Mrs. Lazaro ang lahat. Her time of death 9:23PM.” malungkot na sabi ng doctor sa kanila na parang bomba na sumabog sa mga tenga nila. Narinig ko ang payahaw nilang lahat at pumasok na sila sa ICU. Nakita ko kung paano nila akong iniyakan, humagulhol at niyakap din nila ako. Napaiwas ako ng tingin sa kanila dahil hindi ko rin kaya na makita silang ganito. “Iʼm sorry. Iʼm sorry.” paulit-ulit na sabi ko, hindi ko na rin kayang pigilan ang luha ko ngayon. “Tao, aakyat ka na ba? Or, hihintayin mong mailibing ka rito sa mundo ng tao?” Napatingin ako sa manok at muling tumingin sa kanila. “Mag-i-stay pa ako rito. Gusto ko pa makita ang libingan ko. Gusto ko pa sila makitang lahat,” nanginginig ang aking boses nang sabihin ko iyon. Gusto pa silang makita talaga. Gusto ko pa sila makasama nang matagal. Pero, bakit?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD