JIX POV NAPATINGIN ako sa wristwatch ko, Itʼs already five in the afternoon, wala pa si Jim. Ganitong oras dapat tapos na ang meeting nila. Actually, wala naman talaga akong meeting ng ganito oras. Nag-request si Jim na siya ang kakausap kay Mr. Curtis, ang meeting namin ay about sa chickens and eggs na kukunin namin sa business nila. “Jin, Call Jim where he is. Weʼve got to go home. Baka hinihintay na tayo nina Jaxon and Jessi,” sabi ko sa kanya. Isa lang ang dala naming kotse, lalo na kung wala naman kaming meeting na tatlo sa magkakahiwalay na lugar. Nag-iisang kotse lamang kami kapag sa office lang ang punta namin in whole day. “Tinext ko na, Jix. Hintayin ko na lamang mag-reply ang isang iyon,” saad niya habang nakatutok sa kanyang laptop. Kinakabahan ako at baka may sinabi an