NANG mawala na si Jix ay biglang nanlambot ang aking katawan dahil sa ginawa naming dalawa. Naging sunod-sunuran ang katawan ko sa kanya. Ganito ba ang first time ko? Naranasan ko na ang ginagawa kay Miya sa panaginip ko. Alam ko na kung bakit ganoʼn si Miya, masarap nga talaga. Napatayo na lamang muli ako pabalik-balik akong naglalakad sa tapat ng kama ko. Paanong nangyaring ako ang nag-initiate na may nangyari sa aming dalawa? Naaalala ko ang lahat ng nangyari sa aming kagabi. Sinong tangang hindi makakaalala nuʼn, hindi naman ako gaanong lasing at nahihilo lang naman ako. Pero, bakit ko nga ba hinalikan si Jix? Napailing na lamang ako sa sinabi kong iyon. Lumakad ako papasok sa bathroom ko at tinignan ang aking sarili sa salamin. “No, Xanthi, huwag muli tayong mahulog sa patibo