KINABUKASAN, maaga akong nagising dahil na rin panay tunog ang phone ko. Sino ba ang impakto na iyon? Alam ko ay Sunday pa ngayon kaya kailangan ko pang matulog at inaantok pa rin ako. Naniningkit ang aking mga paa habang kinakapa ang aking kamay ang phone ko sa side table hanggang makuha ko iyon. Binuksan ko iyon at tinignan kung paano iyong panay tunog na iyon, nakita ko ang chat... Halos lumuwa ang aking mga mata at napaupo ako sa kama, na siyang pagkahilo at pagsakit ng aking ulo. “Shet, nagbigla ang buong pagkatao ko,” kausap ko sa aking sarili at napahawak sa aking ulo. Nang mawala na iyon ay muli kong tinignan ang notification sa phone ko. Jim: Good morning, Miss Xanthi Curtis. Isang karangalan na makita ka sa personal. Sobrang ganda na tipong gusto kitang titignan nang mata