KINAGABIHAN, salu-salo ulit kaming kumain nina dad and mom. Isang roasted chicken, beef steak and caesar salad ang nasa dining table namin ngayon. Naubos ang energy ko kanina nang kausapin ko si Achilles, paulit-ulit kasi siyang what if biglang dumalaw ang Triplets sa inyo, anong gagawin mo. Napipikon na ako kanina sa kanya muntik ko na siyang batukan, mabuti na lang ay namayani ang kabaitan na taglay ko. Kaya heto ako drain na drain, tinalo ko pa ang pumasok sa office sa nakalipas na araw. “Darling, may sakit ka ba? Bakit ang tamlay mo?” pagtatanong ni mom sa akin. Binaba ko ang hawak kong kubyertos at tinignan siya. “Nothing, mom. Wala po akong sakit. Chineck na rin ni ate Myra ang temperature ko kanina kaya donʼt worry po. Napagod lang po ako dahil na rin siguro sa pagtuturo ko po