NAGLALAKAD na kami ni Jasmine pa-akyat sa second floor. Napatingin ako sa kanya at sabay napaiwas din, gusto kong magtanong pero nahihiya ako. “Ano pong kailangan mo, ate Xanthi? May gusto ka po bang itanong?” Nagulat ako sa sinabi niya. “Um, eh, halata ba?” Napakamot ako sa aking buhok. “Kinda po. Panay tingin po kayo sa akin. Okay lang po magtanong, magiging sister in law rin po kita soon.” Nawala ang kanyang mga mata nang ngumiti siya sa akin. Sister in law? Pero, until now hindi pa rin ako sure about sa mga kuya mo. “N—nasaan sina Jaxon and Jessi?” tanong ko sa kanya. Iyon talaga ang itatanong ko. “Ah, nasa room na po nila, ate Xanthi. Inaasikaso silang dalawa nila kuya. Simula dumating ang kambal kina kuya at mawala si ate ay naging hands on na po silang tatlo... Pero, may i