ISANG buwan na ang nakakalipas na nakapag-adjust na ako nang tuluyan sa buhay ko. Hindi na rin sila gaanong nag-aalala sa akin, except kina kuya Carlito, ate Myra at mommy. Talagang hindi pa ako pʼwedeng umalis ng ako lamang at hindi ako pʼwedeng magpapagod pa. Ayaw nila. “Miss Xanthi, dumating na po si sir Achilles. Sinusundo na po kayo para pumunta sa daycare center.” Narinig ko ang sinabi ni ate Myra na nasa labas. Katatapos ko lamang maglagay ng light makeup sa mukha ko. Napapansin ko kasi na pale talaga ang aking mukha lalo na ang labi ko. “Palabas na po ako, ate Myra!” malakas na sabi ko sa kanya. Tumayo na ako sa harap ng vanity mirror ko at lumabas na rin. Nag-decide ako na mag-pants na lamang at blouse, pupunta kami ni Achilles sa daycare center. Nagtuturo rin ako roon ng