NAIILANG ako sa mga titig na binibigay ng Lazaro na ito. Kanina pa nakangisi sa akin, hindi ko nga alam kung nakikinig ba siya sa sinasabi ni Vinz dahil ako ay walang maintindihan, ang isip ko ngayon ay nag-iisip kung paano tusukin ang mga mata niya. Para niya akong hinuhubaran sa mga titig niya. Ang lagkit. “Are we deal with this offer, Mr. Lazaro?” Nagulat ako nang makitang tapos ng magpaliwanag si Vinz kay Mr. Lazaro at nakita ko ang presentation niyang nasa huling slide na. Hala, hindi ako nakinig. Wala akong naintindihan. Bwisit na Lazaro na ito. Kanina iyong pinsan ko, tapos ngayon siya naman? Sino kaya next? Para isahan na lang ang inis ko ngayong araw. My bad day! “Of course, Mr. Vinz. I agree, I mean we agree about the deal na ginawa ng mga Curtis. Kaya nasaan ang contra