PAGKATUNOG nang aking alarm clock ay siyang pagkagising ko. Tulala akong napatitig sa pader ng room ko at pinatay ang aking alarm clock, sobrang ingay nito. Bumangon na ako kahit tulala pa rin ako, alas-sais pa lamang ng umaga at hindi ito ang oras ng gising ko kapag weekends. Inayos ko ang aking kama at saka dumiretso na rin agad ako sa bathroom para maligo at para mawala na rin ang antok ko. Hinubad ko ang aking suot na pantulog at walang seremonyang tumapat ako sa shower na siyang pagkaginhawa ko. Nagising ako nang tuluyan dahil doon. Kalahating oras din nang matapos ako sa pagliligo ko. Pumunta na ako sa walk-in closet para makapagbihis ng pambahay at naghanap na rin ako ng damit na susuotin ko mamaya, nagpasya akong mag-long skirt na and for my top ay isang fitted top na white a