NANG matapos akong magturo ay lumabas na rin kami sa classroom, hinayaan namin ang mga estudyante na maglaro na dahil mamaya ay uwian na rin nila at afternoon class naman ang papasok. “Tita Xanthi, ang galing niyo pong magturo. Naintindihan ko nang mabilis iyong multiplication po. May technique po pala roon?” sabi ni Jaxon sa akin at kita ko sa mukha niya ang pagka-amaze. Ngumiti ako sa kanya. “Opo, Jaxon, hindi ba tinuro sa inyo ang tungkol doon? Anong grade level na ba kayo?” pagtatanong ko sa kanila. Tinignan ko silang dalawa, sa tantsa ko ay nasa grade 2 na sila. “Grade two na po, tita Xanthi. Maaga kami a-school nila daddies po kasi smart kami ni Jessi,” sagot niya sa akin at bumalik na kami sa faculty. Kami lamang ang nandito. Napatango ako sa kanyang sinabi. “Kung gusto niyo