“Thanks for today, Miss Xanthi. I need to go, hindi ko namalayan ang oras.” Ngumiti na lamang ako sa kanya. Hindi ko rin napansin ang oras ngayon. Sobrang gaan kausap ni Jix lalo na pagdating sa business, para raw magkaroon ng kita ang aking school ay balak naming magkaroon ng private school for kinder, kaya magpapagawa pa kami ng isa pang building para sa kanila. Ang kaibahan lamang ng private sa public kinder ay ang sampung estudyante sa iisang classroom at private tutorial class kapag afternoon naman. Iyon ang sinagguest niya sa akin. Hindi na ako nag-isip nang matagal kaya pumayag na rin ako, as long as, mananatili ang estudyante namin sa public kinder na walang ginagastos ni-piso. “Thank you rin sa time mo, Mr. Jix. Salamat sa pagiging investor niyo sa daycare center na mayroʼn