SPRING's POV "You can never break me Torn, 'cause I wasn't even whole to start with..." Hinihingal akong napasandal sa pader habang paulit-ulit na umuukilkil sa utak ko ang huling linyang sinabi ko kay Torn. 'You'll break me? You can't Torn...ano pa nga bang pagsira ang kaya mong gawin na hindi ko pa naranasan?' "Ma'am?" Napaangat ako mula sa pagkakayuko at nabungaran ang isang babae na hindi pamilyar sa akin. "S-sino ka?" "Ako po si Amy, katulong po ako dito. Okay lang po ba kayo? May kailangan po ba kayo?" Tumango ako. "Pwede bang makitawag?" Ngumiti ito at inabot sa akin ang isang cellphone. "Eto po Ma'am. Sino po ba ang tatawagan niyo?" Napatigil ako sa sinabi nito. Sino nga ba ang tatawagan ko? "T-tatay ko." "Ganun po ba? Sige po Ma'am. Iinom po muna ako at babalikan ko na