SPRING's POV "Ang saya-saya mo siguro ngayon, Ate. Habang naghihirap si Daddy dito, mukhang ineenjoy mo ang buhay mo diyan sa Pilipinas. Congratulations sis, for being a model." Napapikit ako nang ibaba na ni Summer ang linya bago pa 'ko makapagsalita. Pinagmasdan ko ang laptop ko at nanlumo ako nang makitang pinapipiyestahan sa f*******: ang picture ko noong nagmodel ako. Pinost ito ng isa sa mga highschool classmates ko at talagang itinag pa ako. Congratulation daw sa pagiging model ko. Kung alam lang ng mga ito... Kahapon habang binibili ko 'yung magazine, nakatingin sa akin 'yung cashier at todo ngiti sa akin. 'Yun pala ay magpapapirma ito sa akin dahil minsan lang daw ito makakita ng model. In an instant, naging famous ako. Hindi ko alam na ganoon pala kasikat ang magazine na pin