SPRING's POV "And 1...2...3...4 okay then turn around and...pose!" Pumalakpak si Ate Elisse—na pinsan ni Vannie at siyang nagtuturo sa amin sa loob ng apat na araw. Napangiti kami ni Vannie at hindi na ko nagulat nang mahigpit akong niyakap nito. Nasanay na ko sa pagiging touchy nito. Sa loob ng limang araw kong pagkakakilala rito, ay talaga namang naging ka-close ko na ito. Nakilala na rin nito si Rain via Skype at hindi na ako nagtaka nang magkasundo ang dalawa. "Finally Ate! Na-perfect na natin!" tuwang-tuwa nitong saad. Napangiti lang ako at marahang inayos ang nagulo nitong buhok makaraan ay humarap ako kay Ate Elisse. "Salamat Ate sa matiyagang pagtuturo!" "Hindi naman ako nagtiyaga. Sa lahat nang naturuan ko, kayo ni Vannie ang pinakamadaling turuan. Basta tandaan niyo na buk