FAYE MONDAY – 7:20 AM Gabi-gabi, palagi akong nakikisiping kay Rome tulad ng sinabi niya noong unang may mangyari sa amin. Gabi-gabi rin, hindi pwedeng hindi ako umiyak at masaktan sa huling binibigkas niyang salita sa akin bago ako umalis sa kwarto niya. Palagi niyang pinapamukha sa akin na parausan niya lang ako at palagi niyang ipinapamukha na wala lang ang lahat ng ‘yon sa kanya. Nakikita ko rin sa mata niya na hindi na niya ako mahal at napakasakit ‘yon sa part ko. Gusto ko pang humingi ng chance noon dahil akala ko matapos naming magsiping, mababalik na ang lahat, ‘yon pala mas lumala pa, mas nakahanap pa siya ng dahilan upang dagdagin ang kaparusaan ko. Dahan-dahan lang ang paglalakad ko sa hallway sa Wilson dahil sa mga suot kong heels. Hindi pa rin ako nasasanay kahit ila