ILANG ORAS din siyang naglagalag sa labas, kung saan-saan na nga siya nagpunta para lang magpalipas ng oras. Ayaw pa sana niyang umuwi kaso lang kumalam na ang tiyan niya at masakit na din ang paa niya kakalakad. Wala naman kasi siyang nakuhang pera ng bigla nalang siyang umalis sa bahay nila kanina. "Rhiane!"sigaw ng isang lalaki sa kanya. Paglingon niya nakita niya si Claude na papalapit sa kanya. halata sa mukha nito ang pag-aalala. Na ipinagtataka naman niya kung bakit ganoon ang nakita niyang reaksiyon nito. "Bakit ka umalis? Hindi mo ba alam kung anong oras na ha?"galit na sermon nito sa kanya. Inirapan niya ito at hindi sinagot. Nagpatuloy lang siya sa paglalakad pauwi sa bahay nito. hanggang ngayon kasi naiinis pa din siya sa lalaki, maging sa nanay niya. "Ano hindi ka sasagot