Flashback NAGING madalas ang pagpapalit palit ng ugali o pagkatao ni Rhiane. Mas madalas kapag binibisita ito ng ina nito sa kanila. Matapos ang araw na nalaman nila ang totoong pagkatao ni Rhiane hindi pa din sumama ang dalaga sa totoo nitong pamilya. Nalaman niyang naghiwalay ang mga magulang nito, may ibang pamilya na daw ang tatay nito. Na hindi naman matanggap ng dalaga dahil mas malapit ito sa tatay nito kaysa sa nanay nito. nalaman din niya na maayos naman si Rhiane ng umalis ito sa bayan nito para sundan sana ang tatay nito na sa kanilang bayan naman napiling manirahan kasama ang bagong kinakasama nito. Kaya hindi din alam ng nanay nito kung bakit nagkaganoon ang dalaga. "Rhiane"tawag ni Nanay Cristina o Tina ang ina ni Rhiane. Makalipas ang dalawang linggong pabalik balik nit