MAAGA pa ay nasa biyahe na si Maggie patungong hacienda. Plano niyang dalawang araw mag-stay sa Pangasinan. After n’on ay lilipad naman siya patungong Cebu para sa plantasyon ng mga mangga. Hectic ang schedule niya this month. May plano rin siyang mag-stay either sa Davao or Cagayan para malayo kay Dark. Anuman ang nangyari sa kanila ng binata ay wala siyang plano na maulit uli iyon. Ang kagaya ni Dark Montemayor ay hindi dapat seryosohin, baka masaktan lang siya. Kilala sa pagiging babaero ang mga Montemayor at kung hindi niya rerendahan ang sarili, malapit-lapit siyang mapabilang sa mga babae nito. Siya na ang iiwas sa binata dahil aminin man niya o hindi, she cannot resist him. Twenty-nine na siya. Gusto niyang magkaanak kahit isa para naman may maiiwanan siya ng lahat ng assets na