“CONGRATULATIONS, brother.” Isa-isang bumati kay Dark ang mga kapatid kasunod ang mga magulang. “Congrats, besty. I’m very happy for you. Good luck sa bago mong buhay. And one more, bawasan mo ang pagkaamasona mo,” ani Polly kay Maggie. “Maldita! Pero salamat, Polly. Mami-miss kita.” “Ako din naman. Basta sa next baby mo, dapat maging inaanak ko na, ha! Baka naman ilihim mo na naman ang pangatlo, magtatampo na talaga ako sa ’yo.” “Tama na ’yan, kanina pa kayo nagbubulungan. Baka mamaya magkapalit pa kayo ng mukha at maaga akong mabiyudo,” ani Dark sa kanila. “Ay! Ang sama ng asawa mo, besty. Kasumpa-sumpa ba ang itsura ko?” “Naku, h’wag mong pansinin ’yan, inaasar ka lang niyan. Akala niya kasi lalaki ka at nagseselos ’yan sa ’yo.” “Ako, magseselos diyan sa mukhang bakulaw na ’yan?”