CHAPTER 11 NATAPOS na kaming kumain at saka namin napagpasyahan na lumabas na. Sobrang nabusog ako sa daming nakuha kong pagkain kanina, hindi ko rin kasi alam kung anong kukunin at uunahin ko kaya lahat ng bago sa paningin ko ay kinuha ko. Mabuti na lamang ay masasarap ang mga iyon. Nakaupo ako ngayon sa isang cottage na inarkila nila tita Luna. Nakatingin lamang ako sa mga turistang naglalakad kahit tirik na tirik ang sikat ng araw ngayon. Kaya ginagawa ko ngayon ay nanonood lamang nang mga nag-wa-water activities. “Katrina, tara sakay tayo roon!” Tawag sa akin ni kuya Lennox at tinuro ang lumilipad sa itaas. Nawala ang ngiti ko nang mapatingin doon. Ang taas nu'n at hindi ba niya alam na takot ako sa heights?! O, iniinis na naman ako ni kuya Lennox? “Ate Kathleen, si kuya Lennox in