NATAPOS ang subject namin ngayon at ngayong araw ay kailangan naming ibigay ang notebooks namin kay Prof. Hanlon. “Yago? Eh, paano itong mga notebook natin?” tanong ko sa kanya. Nakalagay ang mga notebook namin sa Biological Science sa isang paper bag. Dalawang paper bag ang gamit namin dahil mabigat kapag sa pinagsama-sama namin. “Saglit lang ako, Katrina. Babalikan din kita agad. Pinapatawag lamang ako ng secretary, okay? Hintayin mo lang ako, bago dumating ang next professor natin sa General Sociology,” sabi ni Yago sa akin. Halata sa boses ni Yago na gusto niyang hintayin ko siya. Tumango na lamang ako sa kanya. Nakita ko ang pagngiti niya sa akin at mabilis na lumabas sa classroom namin. Ilang minuto kong hinintay si Yago pero until now ay wala pa rin siya. Wala rin sina Zendee a