Luna's pov:
Ako si Luna Smith mas kilala nilang "lu-lu", simple lng akong tao, mahaba ang buhok, maganda ang mga mata, may pagka matangos ang ilong, at hindi ako kagandahan tulad ng ibang babae pero nabawi naman sa aking ugali, kung ano ang ikina-taas ng grade ko ang siya namang ikina-baba ng height ko, oo pandak ako pero atleast cute hahaha. Academic achiever ako sa aming paaralan, di man ako katangkaran at kasing ganda ng mga sikat kung kaklase ay marami pa ring humahanga sakin, pero malas nila dahil patay na patay ako sa kanya. May gusto ako sa isa naming kaklase, simple din siyang tao di katulad ng ibang mga lalaki, bagsak at mahaba ang kanyang buhok na mala korean style, maganda ang mga mata, matangos ang ilong, may kissable lips, matangkad, ang astig niya lalo na kapag hawak na niya ang kanyang gitara. Matagal na akong may gusto sa kanya simula noong nasa junior high pa kami, siya si Ethan Anderson mas kilala siya bilang "pres" dahil siya ang palaging nano-nominate every s.y, di na ako mag tataka kung bakit siya ang palaging president, dahil kung ano yung mga responsibility niya ay nagagawa niya lahat ng maayos.
Luna and Ethan's pov:
"Hoy!! Eeethaaannn!!" sigaw ni Luna, napahinto sa paglalakad si Ethan ng marinig niyang may tumatawag sa kanya. "Oh, ikaw pala Luna" saad ni Ethan habang nakatingin kay Luna na hingal na hingal dahil sa pagtakbo. "Wai....wait lng...." saad ni Luna habang nag hahabol ng kanyang hininga "What's the matter? Bakit hingal na hingal ka? May humahabol ba sayo? Are you ok?" pag aalalang tanong ni Ethan kay Luna. Makalipas ang ilang segundo ay agad na hinarap ni Luna si Ethan "Ethan, tulungan mo ako.." pag mamakaawa ni Luna "Ano bang nangyari? May problema ba?" tanong ni Ethan "Pres, ano...kasi naman...." paputol na sabi ni Luna "Anong ano kasi naman?" tanong ni Ethan sa kanya "May sumusunod sakin na lalaki....diko alam kung sino, pano kung yung stalker ko yun? Pano kung may gawin siyang masama sakin? Ano gagawin ko pres?..." paiyak na saad ni Luna.
Third person's pov:
May stalker si Luna na sobrang gusto siya, simula nung nasa third year high school palang si Luna ay palagi na siya nitong sinusundan, dumating na din sa point na muntik na siyang saktan nito dahil kanyang pagka obsessed kay Luna, ngunit may dumaan na lalaki na naka black hoodie at balot na balot ang katawan pati ang mukha na tila'y may tinatakasan o tinataguan, kahit na sobrang takot na si Luna ay nilapitan niya pa rin ang lalaking naka black hoodie at humingi ito ng tulong. "Sa...sa..salamat p..po ku..ku....kuya" saad ni Luna habang nanginginig sa takot, "Umuwi kana" maiksing sambit ng lalaki at agad na umalis. Simula noong araw na yun ay nag dobleng ingat na si Luna sa kanyang paligid ganoon na din sa kanyang bahay dahil alam na din ng kanyang stalker kung saan ito nakatira. Araw-araw nakakatanggap ng mga parcel si Luna kahit wala naman itong binili online. Nag tataka si Luna kung kanino galing ang mga iyon, pero laking gulat niya na iisang tao lang ang nag papadala sa kanya. Halong kaba at takot ang kanyañg naramdaman ng makita niya ang pangalang "Nightmare" sa natanggap niyang parcel. Nabitawan ni Luna ang hawak niya at pabagsak na umupo sa sahig sa sobrang takot niya. Lumipas ang mga taon at nasanay nalang din si Luna sa mga parcel na kanyang natatanggap, hindi niya binubuksan ang mga ito bagkos nilalagay niya lang ito sa storage room at hinahayaan na doon. Ilang beses na rin itong nireport ni Luna sa mga pulis pero hindi pa rin nila matuntun kung saan at sino ang taong nag papadala sa kanya. Hindi sinabi ni Luna sa kanyang mga magulang ang nangyari sa kanya dahil ayaw niyang mag-alala ang mga ito. Simula kasi noong nasa second (2)year high school palang siya, ay mag isa na siya sa kanilang bahay. Nasa ibang bansa ang kanyang ina dahil hindi nito pwedeng iwanan ng matagal ang kanilang kompanya, samantalang ang kanyang ama naman ang may hawak sa lahat ng mga branches ng kanilang kompanya. Mayaman ang mga magulang ni Luna dahil isa ang mga ito sa successfull business man and women sa kanilang bansa. Tuwing pasko at bagong taon lang umuuwi ang mga magulang ni Luna, gustohin man nito magkwento sa nangyari sa kanyang buhay ay mas pinili niyang tumahimik at mag sinungaling sa mga ito dahil ayaw niyang dumagdag sa mga problema, iisipin at ayaw niya ding mag-alala ang mga ito.