C-1: Home sweet home
Napangiwi ang mag-asawang Hillary at Arthuro sa langitngit ng red racing car na pagmamay-ari ng kanilang bunsong anak, si Alpha. Ngayon ang dating nito galing America for a vacation, susunod ding magsidatingan ang mga kapatid nito.
"Mom and Dad, nice to see you again!" nakangiting wika ng binata ng bumaba ito mula sa sasakyan.
Niyakap ng mag-asawa ang kanilang bunso na siyang pinaka- sa lahat ng kanilang mga anak.
"You're so hardheaded my son! I told you to take the bulletproof van but you didn't listen." Sermon ng Donya.
"Mommy nandito na ako sa harapan mo hindi ba? Huwag ka ng magalit diyan and besides, they escorted me until here!" natatawang sagot ni Alpha.
"Well, that's their job though!" kibit-balikat na turan ng Donya.
"Halika na sa loob, at pag-usapan natin itong problemang nasuong mo sa States." Wika naman ni Don Arthuro sabay akbay sa anak.
"Oh..Dad come on!" Angil ni Alpha subalit nagpatinaod na ito sa ama papasok sa loob ng Mansyon.
"Now, tell me the truth nabuntis mo ba talaga ang babaeng iyon?" matamang tanong ng Don.
"No, Dad I swear! She's just a fling to me, and If hindi ko bet buntisin gumagamit ako ng alam niyo na!" sagot ng binata na naka-de quatro pa.
Bumuga nang hangin si Don Arthuro saka napailing-iling.
"That is your last mistake do you hear me? Kapag inulit mo pa mababawasan ang mana mo!" Babala ng Don.
"Dad, naman!" pairap na sagot ni Alpha sabay kamot sa sariling batok.
"Hindi ako nagbibiro Alpha,"
"Honey, he's just got home don't too hard to him okay?" singit ni Donya Hilarry.
Inirapan ni Don Arthuro si Donya Hilarry.
"Kaya ganyan ang anak mo, ini- spoiled mo kasi! Hanggang kailan magma- matured iyan kung lagi mo pa ring bini- baby!"
Nanulis ang nguso ni Donya Hilarry sabay haplos sa ulo ni Alpha na kay lawak ng ngiti nito.
"He's still our baby, Arthuro!" giit ng Donya.
"Bahala kayong mag- ina basta I want Alpha to behave here in my costudy." Pinal na desisyon ng Don saka binuksan ang television.
Nagkatinginan naman ang mag- ina, alam naman nila pareho na ganoon lang magsalita si Don Arthuro pero bumibigay din naman ito kinalaunan.
"Mom, I need to rest for an hour! Afterwards, kitakits kami ng mga dati kong tropa." Bulong ni Alpha sa Ina.
"Okay anak, sleep well!" masayang sagot ng Ginang sabay flying kiss sa binata na papanhik na sa may hagdan.
Don Arthuro rolled his eyes, pero may ngiti namang nakakubli sa kanyang mga labi. Ilang buwan na namang mabubuo ang kanilang pamilya hindi kagaya sa mga nagdaang taon na tuwing special occasions lang sila nagkikita- kita. Dahil nang magkaroon nang aberya ang kanilang pamilya, they sent their children in States for safety. Para hindi madamay ang mga ito sa sigalot na nangyari ilang taon na ang nakakaraan.
"Honey, napatulala ka na diyan!" untag ni Donya Hilarry sa asawa.
Noon lang nagbalik ang kamalayan ng Don, pilit niyang iwinaksi ang eksenang iyon noon. After all, that was long ago at hindi naman napatunayan na sila ang may kasalanan.
"Ahm..wala Honey! Naihanda mo na ba ang ibang kwarto ng mga anak natin? They staying with us for three months ewan ko lang sa bunso mo." sagot ng Don.
Sumandal si Donya Hilarry sa mga balikat ng Don na nakangiti.
"Of course ako pa ba? Pinahanda ko na sa mga katulong para komportable ang mga anak natin pagdating. Pasaway kasi itong bunso mo at hindi hinintay ang kanyang mga kapatid." Ani nito.
"Well, sino bang may kasalanan?"
"Tumigil ka na, of course bumabawi ako kasi mahabang panahon na sila ay malayo sa atin." Awat ng Donya.
Napaisip naman ang Don, sabagay ay tama naman ang kanyang asawa. Subalit kakayanin nila lahat masigurado lang ang kaligtasan ng kanilang mga supling lalong-lalo na sa kanilang bunso.
"Welcome dito sa Mansyon, Himalaya! Kadarating din ang bunsong anak ng mga De Dios. Pinapaalalahanan kita, playboy siya kaya kapag hinaharot ka niya pigilan mo ang landi mo maliwanag ba?" Mahabang litanya ni Elvie, mayordoma sa Mansyon.
"Opo!" kiming sagot ng dalaga.
"Very good! At alam kong nasabi na ng Tiyahin mong si Glory ang iba mo pang gagawin dito. Suwerte mo at kinulang kami sa mga katulong kasi mga darating ang iba pang anak nina Don Arthuro at Donya Hilarry. Hindi ko alam kung hanggang kailan sila rito basta ang alam ko medyo matagal- tagal sila." Muling saad ni Elvie.
"Salamat po!" kimi pa ring sagot ni Himalaya.
Tumigil si Elvie sa paglalakad nito at tiningnan si Himalaya mula ulo hanggang paa.
"Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang may pamangkin sina Glory at Deo na maganda. Anyway, Manang na lang ang itawag mo sa akin at hindi po. Aminado akong tanders na akong dalaga pero huwag mo namang masyadong ipahalata." Wika ni Elvie.
"A- Ano po iyong tanders?" lakas loob na tanong ni Himalaya.
"Ano pa eh 'di, matanda na hina naman nito! Halika na nga at nang makita mo na ang kwarto mo," pandidilat ni Elvie sa dalagang namula ang pisngi.
Napangiwi naman si Himalaya at tahimik nang sumunod sa nagdadakdak pa ring si Elvie. Kumbaga sa armas ay parang armalite ang bunganga nito dahil sa mabilis na pagsasalita. Na akala mo galit pero hindi naman, akala mo nanenermon pero hindi pala.
"Ito ang magiging kwarto mo, malapit lang sa Tiyahin mong si Glory. Baka nagtataka ka kung bakit, tig-isa tayo ng kwarto. Kasi ayaw ng mga De Dios ang Marites kaya tig- iisa tayo ng kwarto lahat." Saad ni Elvie pagdating nila sa kwarto ni Himalaya.
"Ahm..ano po ang Marites?" tanong ng dalaga.
"Naku, ang hina naman ng signal mo! Marites, tsismosa, pinsan ni Marisol as in sulsulera, oh...maliwanag na ba?" Paliwanag ni Elvie.
"Maliwanag na po," nahihiyang sagot ni Himalaya.
"Sabi ng Manang eh, kurutin kaya kita sa singit! O, siya magpahinga ka na at mamayang hapon, gora ka na sa work mo. Ang gora, magsisimula ka na sa trabaho mo!" Turan ni Elvie.
"Ganoon ba, Manang? Sige, salamat ng marami." Kimi pa din si Himalaya.
Ngumiti naman si Elvie.
"Welcome, mabuti na lang ang ganda mo!" ani nito sabay pisil sa pisngi ni Himalaya.
Ngumiti na lamang ang dalaga at kanyang inihatid ng tanaw ang umalis ng si Elvie, natatawa na lamang ang dalaga sa gesture ng mayordoma.