HB-1

1119 Words
"Menchie ano ba? Sagutin mo nga 'yang selpon mo. Aga-aga ang ingay." Pagod na inabot ko ang aking selpon at kanina pa pala ito tumutunog. Pasimple kong hinigop ang aking laway pagilid. Sayang eh. "Hello?" Pupungas-pungas kong sagot. "Miss Dela Cruz, you are hired. Magsisimula ka na ngayon sa trabaho mo. May ise-send akong address at pakipuntahan na lang. Mr. Landon Racini will be waiting for you at 8:30 sharp," saad ng babae sa kabilang linya. Napakunot noo naman ako at kinurot ang aking sarili. "Aray!" hiyaw ko nang maramdaman ang kirot. "Miss Dela Cruz are you okay?" tanong niya sa kabilang linya. "O-Opo Ma'am, y-yes po. Salamat po, maraming salamat po," sagot ko. Ang lakas-lakas ng kabog ng dibdib ko at pakiramdam ko ay nilulutang ako sa alapaap. "Uulitin ko, 8:30 AM sharp. This is your first day kaya sana ayusin mo dahil pagod na rin kami kaha-hire ng bagong PA niya araw-araw. Bye," aniya. Nabitiwan ko ang aking selpon at tumili sa saya. "Ano'ng nangyari?" wika ni mama na may hawak pang sandok. Nakangising nilapitan ko naman siya. "Tanggap na ako sa trabaho Ma!" hiyaw ko. Napahiyaw na rin siya at niyakap ako. "Mag-diet ka pa rin para makabingwit ka ng mayaman. Ang ganda-ganda mo eh. Pasalamat ka at namana mo sa 'kin ang kagandahan mo. Oh siya at baka ma-late ka," aniya. Nagmamadaling naligo at nag-ayos naman ako at alas-siyete na. Nagsuot ako ng itim na slacks at puting polo shirt. Kinuha ko ang aking mahiwagang sling bag at dumeritso sa kusina. Nakita ko naman ang amain kong kumakain. Nagmano ako at umupo na rin. "Congrats Menchie at natanggap ka sa trabaho mo," wika niya. "Salamat 'tay," sagot ko. Mabait itong asawa ni Mama. Nagtatrabaho bilang manager ng isang lending company. Dalawa lang naman ang kapatid ko. Isa rito kina Mama at Tatay na si Angelie. Doon naman sa ama ko ay si Veronica. Yes po, magkahiwalay sila dahil parehong toxic. Noong una nahirapan ako dahil patalon-talon ako dahil sa sitwasiyon nila. Si Mama kasi mosang si Papa naman sugarol. Parehong competitive kaya 'di rin nagtagal. Hindi ko na rin pinilit na magbalikan pa dahil kita ko namang pareho silang mahihirapan kaya hinayaan ko na lang. Mabait sila sa akin at ako lang talaga minsan ang matigas ang ulo at suplada. Masisisi ba nila ako? Eh sa away ang nakagisnan ko eh pero mabait talaga ako. "May pang-allowance ka pa ba? Mang, bigyan mo ng pera si, Menchie mamaya," wika ni Tatay Narding. Napangiti naman ako. "Huwag na po, may pera pa po ako rito. T'saka Mama, huwag kang palaging sumasama kay Aling Susan at malilintikan ka na naman sa susunod na araw. Alam mo namang dakilang sulsol 'yon tapos dinagdagan mo pa. Huwag mo na bigyan ng sakit ng ulo si, Tatay," reklamo ko. "Grabe ka naman Menchie. Alangan namang iiwas ako, ako na naman ang gagawan nila ng chismis. Maigi na iyong updated ako kung sino pinag-uusapan nila no. Isa pa, sila ang pumupunta rito sa bahay. Chismis na mismo ang lumalapit sa 'kin, sino ba naman ako para humindi?" sagot niya. Napatingin ako kay tatay na umiiling sa 'kin. "Hayaan mo 'yan hanggang sa ma-ban na siya rito sa barangay. Ilang beses na pinagsasabihan hindi talaga tumitigil," ani tatay. In born chismosa talaga ang ina ko. Matapos nga ay nagpaalam na ako at sumakay ng traysikel t'saka nagpahatid sa isang condo. Ang sabi naghihintay si Mr. Racini sa 'kin doon. Sabihin ko lang sa receptionist ang pangalan ko at alam na nila ang gagawin. Nang makababa ay dumeritso na ako sa loob. Inayos ko ang aking suot at ngumiti sa mga employee roon. Kaagad na iginiya naman nila ako hanggang sa loob ng elevator. Hinatid pa ako hanggang sa makarating sa napakalaking unit. Mukhang okupado ang buong floor. "Door bell ka lang tapos pasok ka na," wika ng babae. Sinunod ko naman ang sinabi niya. Pumasok ako sa loob at may narinig akong halinghing sa loob. "Tao po? Sir? Pasok na po ako ha," sambit ko. Kaagad na napangiwi ako sa sobrang kalat. May mga sigarilyo, bote ng alak at kung anu-ano pa. May mga basag pang baso sa gilid. Palapit ako nang palapit sa isang kuwarto at lalong lumalakas ang tunog. Nananayo ang balahibo ko sa ungol. Natigilan ako at nanlaki ang aking mata nang makita ang babaeng nakangiti habang nakatingin sa akin at gumigiling sa itaas ng lalaking nakahiga. Wala itong suot na maski ano at tumatalbog pa ang bilugan niyang dede. Tarantang tumalikod naman ako at nakakarindi ang ungol nila. Nagkasala ang aking mga mata at nakakita ako ng dalawang pakwan. Halos madapa pa ako sa pagmamadali at umupo sa living room. Napatingin ako sa watermelon ko at napailing. Ilang saglit nga lang ay tumahimik na. May lumabas ng pinto kaya umayos ako ng upo at handa na sanang ngumiti nang makita ang lalaking hubad-baro at tayong-tayo ang kaniyang patintin at bilog na bilog ang itlog. "Ahhhh!!" sigaw ko. "f**k woman! What are you doing here?" galit niyang wika at nagmamadaling naghanap ng pantakip sa kaniyang patintin. Itong mga kalahi ni Adan ay talagang mga hinagpis para sa kababaehan. "P-Pinapunta ako rito ng taga-HR Sir," sagot ko at iniwas ang tingin sa kaniya. Bwesit siya. Nadudumihan ang mga mata ko. Umupo siya sa kaharap kong upuan at nakasuot na ng roba. Huminga siya nang malalim at tiningnan ako. "Mag-thank you ka," anito. Kaagad na napakunot noo naman ang dalaga. "H-Huh?" "Mag-thank you ka dahil ako mismo nag-hire sa 'yo. Sa tingin ko'y reliable ka naman. And what you saw this morning..." "N-Naku! Sir wala po akong nakita. Alam ko pong hindi ko nakita ang hugis santol niyong medyo may kulubot," sagot ko. Nakurot ko ang aking sarili sa hiya. Tumawa naman siya nang malakas. Ilang sandali pa ay lumabas na ang babae at hindi man lang nagpaalam. Ngumiti lang sa 'min. Nakasunod lang ako sa kaniya at napalunok. "Mukhang mas marami ang nakita mo kanina," aniya. Tinaasan ko lang siya ng kilay. "Anyway, hindi ako papasok sa opisina ngayon. Kaya linisin mo na lang ang unit ko. Can you cook?" tanong nito. Tumango naman ako dahil halatang gutom siya. Sino ba namang hindi magugutom sa ganoong exercise. "Tawagin mo ako kapag nakaluto ka na, okay?" aniya. Dahil sa unang araw ko kaya magpapabibo ako. Pumunta na ako sa kusina at napahiyaw dahil kamuntik na akong madapa. Napatingin ako sa lapag at may nakita akong supot. Nilapitan ko iyon at inis na nilingon ang bago kong boss. Balahura na bastos pa. Nakangisi lang siya sa akin. "Vacuum mo na lang, XXL 'yan," wika niya at kinindatan pa ako. Hindi ko alam kung tatagal ako sa trabahong 'to kung ganito araw-araw. Nakakadiri.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD