Buhat ng umalis siya ay hindi pa ito umuwi.mag isang linggo na ng huli ko itong Makita at makasama..galit ba siya saakin,kaya hanggang ngayon ay hindi pa siya umuuwi.Namimiss ko siya.sana ay okay lang siya.baka busy lang?pangungumbinsi ng sarili kong isip.Mag gagabi nanaman pero wala nanamang JR BALMONTE akong nakikita dito sa loob ng mansyon.Naiinis ako.
HABANG kumakain kami ay biglang tunog naman ng telepono.tumayo si manang Susan para sagutin iyon.inabot din cguro ng 15minutes iyon bago bumalik sa hapag kainan.
"Sheyah,pagkatapos mo dyan,pumanhik ka sa kwarto ni sir Jr.inutos niyang ipalinis ko daw saiyo iyon dahil uuwi siya bukas,ayaw niya ng maalikabok." sabi ni manang saakin.tumango ako bilang sagot.bigla akong naexcite na uuwi na ito kaya mabilis kong inubos ang pagkain ko at tumayo.
"Mga ate,linis lang ako sa kwarto ni sir Jr ha? " paalam ko sakanila habang kumakain sila.
"Sige,pero teka tapos kanaba kumain?" tanong ni ate Denise.ngumiti ako tumango.tinaas ko ng bahagya ang damit ko para ipakita ang tyan ko sakanila na kunwari malaki dahil sa busog.Nagtawanan ang mga ito sa ginawa ko.
"Naku,ikaw talagang bata ka." sabi naman ni manang Susan.
Pagkalagay ng pinagkainan ko sa lababo ay agad akong pumunta sa kwarto ni sir Jr.pinalitan ko lahat lahat,kurtina na kay bigat at laki,mga kumot,kubre kama at punda ng unan.Habang nakatunton ako sa isang silya para tanggalin ang last na kurtina ay siya namang dungaw ni ate Denise mula sa pinto.
"She,okay ka lang ba?" tanong niya saakin.
"Oo ate." nginitian ko siya.
"Gusto mo tulungan na kita?" tanong niya.pero umiling ako.
"Kaya ko na ito ate,magpahinga ka nalang.asan sila ate Monique?" tanong ko habang inaalis ang kurtina.
"Ayun matutulog na sila,tulungan na nga kita para matapos kana dyan." akma itong lalapit pero agad akong sumenyas na sinasabing STOP! "pasaway." bulong niya at napailing na may kasamang ngiti.
"Kaya ko na ito,matulog kana ate.mag mamap nalang ako at tapos narin ako."
"Sigurado ka?" tanong niyang muli.
"Napakasigurista mo talaga ate hahaha.oo nga sige na matulog kana." sabi kong natatawa.
"Oh sige na nga.basta pag tapos mo dyan matulog kana ha?" tumango ako at tuluyan na siyang lumabas.
Napatingin ako sa orasan sa pader.hindi ko namalayang mag 11 na pala ng Gabi pero ako heto at buhay na buhay pa ang diwa.napakamot ako sa ulo dahil ang akala ko ay mga 9 palang pero nagkamali ako.nakapag map narin ako.Nahiga ako sa kama ni sir Jr dahil bigla akong nakaramdam ng pagod.Napapikit pero agad ding nagdilat ng Mata.napatingin ako sa banyo niya.Nanlalagkit narin ako.
"Bukas pa naman siya uuwi,pwede naman siguro akong makiligo ehehe." sabi ko na nakangisi.agad akong tumayo at deretsong pumunta ng banyo.
Hilod dito hilod doon ang gawa ko,napakasarap talagang maligo sa banyo na ubod ng ganda Lalo pat kumpleto sa mga gamit.napakabango kasi ng Sabon nito kaya dalawang beses ko itong sinabon sa katawan ko.napapakanta pa ako sa bawat pagbula ng Sabon sa katawan ko.hindi naman talaga ako naligo, katawan ko lang ang pinaliguan ko dahil nanlalagkit ako.
Pagkatapos ko maligo ay sinuot ko na agad ang suot kong t-shirt at short na maikli na suot ko kanina.hindi naman mabaho eh.pagkalabas ko ng banyo ay sinigurado ko munang malinis at maayos ito.nang sa tingin ko naman na okay at malinis ay sinara ko na ang pinto at humakbang papunta sa kama at naupo sandali.nakakaramdam na ako ng antok,kaya nahiga akong muli.
"Pahiga lang sandali at lalabas na ako." usap ko sa sarili.pero iyong sandali na sinabi ko ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.
Napapaungol ako sa panaginip kong hinahaplos haplos daw ni sir Jr ang mga hita ko sabay halik sa leeg ko.iyong bigat niya Nang pumatong saakin ay parang totoo dahil ramdam na ramdam ko ang ubod bigat nito na para bang hindi isang panaginip.dahan dahan akong naalimpungatan at nagdilat ng mga Mata,.napakurap kurap pako ng mukha ni sir Jr ang nasa harapan ko at nakapatong pa.
"Nananaginip parin ba ako?" tanong ko sakanya pero siya naman itong lakas ng tawa niya.napakunot noo ako.
"You smell so good as always." mahina niyang sabi na parang bulong na sa sobrang hina.Nanlaki ang Mata ko at agad napabangon,pero.pinigilan niya ako at mabilis na hinawakan ang magkabilaang palapulsuhan ko at d inaganan akong muli.
"Sorry,nakiligo ako sir.nanlagkit kasi ako,hindi ko rin namalayang nakatulog ako." pagpapaliwanag ko pero Lalo lang itong ngumisi.
"Mas okay nga saakin iyon eh." sabi niya at muli akong inamoy sa leeg.
Napapikit ako at sa pagmulat ng Mata ko ay sakto namang napatigin ako sa orasan,mag ala ona na pala ng madaling araw. "hindi ko alam na uuwi kayo ng sobrang aga akala ko kasi mga hapon pa kayo."sabi ko habang pinipigilan ang sarili dahil nakikiliti ako sa gingawa niyang pag amoy amoy sa leeg ko na may kasa kasamang pagdampi ng labi na nag iiwan ng init sa katawan ko.
"Naexcite kasi ako ng maalala kong tapos na ang dalaw mo."sabi niya ng nakatingin saakin at ngumisi.napalunok ako.
"Meron parin kaya ako." sabi ko at hinawakan ang buhok niya.
"What!?akala ko ba...tsk another excuse." inis niyang sabi at akmang aalis sa ibabaw ko pero mabilis ko siyang hinila at niyakap.
"Joke lang." sabi ko ng nakangiti ng nakakaloko.umiling ito.
"Pinagtitripan moko ah. " sabi niya sabay kiliti sa tagiliran ko.
"Hindi naman.total nandito kana.babawi ako sayo ngayon." sabi ko sa tonong pang aakit.bigla namang kislap ng mga Mata niya at kagat labing napatingin sa labi ko.
"For real?" siguristang tanong niya.natawa tuloy ako na ikinakunot naman ng noo niya. "TSK!" sabi niya.nagsisimula nanaman siyang mainis pero agad kong ikinawit ang braso ko sa batok niya at hinalikan siya ng medyo madiin sabay kagat ng mahina sa ibabang labi niya.
"Yes,for real." sabi ko ng mahina.ngumiti siya at mabilis akong sinunggaban ng halik.this is it.