bc

Killer's Girl

book_age18+
871
FOLLOW
4.9K
READ
revenge
love-triangle
kidnap
fated
sweet
genius
campus
cheating
secrets
intersex
like
intro-logo
Blurb

Entering the most valued and expensive university, Grace found herself at the peak of her misery. Her brain can shut the university's top notchers but not their hard cash. Her father died when she was twelve while her mother died after she was born. She has no family to be a shoulder for her, she was literally an orphan since her father died. Siya ay nagtatrabaho nang maigi upang matustusan ang kaniyang pangangailangan at nag-aaral nang mabuti upang mapanatili ang magandang grado.

Until one day, she met a two multimillionaire girls and they became her best friends. Her life turned easy but all of the sudden, her life was then again changed, it got even worse when they bumped into a multibillionaire men.

Their lives was messed by them.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1: The Brainy
GRACE'S POINT OF VIEW Ayaw ko namang ikasal sa taong hindi ko mahal, ayaw ko matulog kasama ang taong hindi ko naman kilala, ngunit kasal ako sa kaniya. Napakademonyo niya. Sinira niya ang pangarap ko at ang buhay ko, para lang sa sarili niyang kagustuhan. Sapilitan lamang ang aking "I do", kapalit no'n ang buhay ko at ang buhay ng aking mga kaibigan. Wala nang mas sasama pa sa pag-uugali na mayroon siya. Tinanggalan niya ako ng karapatan, para niya na rin akong pinatay! Paano nagsimula ang kwento ko? Bago pa man siya dumating sa buhay ko? Ganito iyon... ------------- "A round of applause please," our subject teacher commanded everyone to clap their hands after I answered the teacher's question about her subject. Madali lang naman eh, it was just about literature. Literature isn't my ground but the question is so basic for me. Hindi ko alam kung bakit hindi ito masagot ng aking mga kaklase. Somebody at my back just poked me, "Can I borrow your brain?" she cracked a joke and it is only her who laughed at it. I just smirked. Hindi naman nakakatawa ang joke niya. This does not mean that I am a bad person, it's just that, what she said ain't really funny. "Uhm..." she stopped laughing, "My name is Jane, by the way." she introduced herself. Ngumiti ako at sinabing, "Mine is Grace," Ngayon ay first day of school at ako ay second year college na. Every school year, our university's admins shuffle us. Ibig sabihin no'n ay, iba-iba ang magiging kaklase namin taga-taon. Minsan natsatsambahan, may kaklase ako noon na kaklase ko pa rin ngayon, ngunit minsan lang mangyari iyon. Ginawa ito ng mga admins upang magkakilala ang bawat estudyante at nang magkaroon ng matibay na samahan but I know, their main purpose is to make this university even more known. Just imagine if these rich kiddos become on fire after they finish their college here, at dahil nga mayaman sila at may kakayahang gumawa ng kahit anong ikakasikat nila, they will definitely bring the name of this university. Ay nako, mga mayayaman nga naman. "Of course, I know you, sino ba naman ang hindi makakakilala kay Grace Fiveash?" she said in a proud tone. This time ay natawa na ako sa sinabi niya, "Nagpapatawa ka naman eh, you are making me flattered." wika ko. "I'm telling the truth." seryoso niyang sabi tsaka tinaas ang kaniyang kanang kamay na para bang nanunumpa. I giggled, "I'm just nobody," kibit balikat kong sinabi. She rolled her eyes, "Oh my gosh, hindi ko alam na ganito pala ka-humble ang isang Grace Fiveash. And because of that, you will have lunch with me. Gusto kita maging kaibigan." Wika nito sa bossy na tono. My heart jumped, for the very first time ay ngayon lang may nakapagsabi sa akin nang ganito. Everyone doesn't like me, ayaw nila makihalubilo sa akin dahil isang kahig isang tuka lamang ako, I don't even belong in this university, I mean, gosh, this university is ONLY for rich students. Am no rich, hardwork was just my key. So, sino kaya ang may lakas na makipagkaibigan sa akin? Eh, wala naman silang mapapala sa akin. But this Jane, wow! Ibang-iba siya. Hindi naman siya mukhang mahirap tulad ko, she is flawless at mahahalata mo na isa siyang mayamang babae. "A-Are you sure?" I asked. I felt I blushed a little. "Yeah, in fact it's my pleasure. Don't you know that I idolize you so much?!" She said while her eyes are twinkling like stars and it makes me so uncomfortable. Is she a bi? I don't know what she sees in me that made her that interested. This is so unbelievable. And yeah, natapos na nga ang klase at lunch time na. Jane walked with me to cafeteria. She talks a lot and it seems like she is a jolly person. Sa palagay ko ay magkakasundo kami. "Oh wait, can I take a picture with you?" Tanong niya. Nahinto siya sa paglalakad kaya huminto rin ako. "A-Ah, sige." Sagot ko. Ano ba naman 'to? Feeling ko tuloy artista ako sa mga mata ni Jane. Nakakailang naman. Nakangiti at dali-dali niyang kinuha sa bag niya ang mamahalin niyang cellphone. She raised her hand with the phone and started counting, "1, 2, 3 smil—HOLY SHOOT!" Napahawak na lamang ako sa bibig ko nang bumagsak sa semento ang cellphone niya. Nako! Mukhang ang mahal pa naman no'n! Nahulog ito dahil nabangga siya ng babaeng tumatakbo patungo sa direksyon namin. The girl was running towards us but she kept on looking at her back. Hindi niya kami kami nakita kaya aksidente niyang nabangga si Jane. Yumuko ang babae at nagsalita, "S-Sorry! Sorry! Sorry talaga!" She picked Jane's phone after that, "Oh my God, nag-crack ang cellphone mo." dagdag nito habang nakatingin sa cellphone. "Bakit ka naman hindi tumitingin sa dinadaanan mo?" Mahinanong tanong ni Jane. Wow, she makes me amazed. Kalmado pa rin siya matapos na mahulog ang mamahalin niyang cellphone. Kung sa akin nangyari iyan baka nagwala na ako. Ang hirap kaya maghanap ng pera para ipangbili ng mga gamit. "Nagmamadali kasi ako eh, naiwan ko 'yung wallet ko sa room namin. All of my money is there, including my credit card at saktong naka-order na ako. I was looking at my table while running kasi baka may umupo do'n o baka nandoon na ang order ko." she explained at mahahalatang sincere siya sa sinasabi niya. Nakakaawa naman siya. "Where exactly is your table?" tanong ni Jane sa kalmado pa rin na tono. "The third one on the left side," wika ng babae habang tinuturo kung saan ang table niya. The cafeteria is just few steps away from here kaya malinaw na malinaw sa amin ang table na tinuturo niya. "Saw it, may vacant pa ba?" tanong ulit ni Jane. "Yes, good for 3 people 'yung table na 'yun." sagot niya. "Okay, do'n na lang kami uupo. Go now, get your wallet we'll talk later." wika ni Jane. Tumango ang babae, ngumiti at saka kumaripas ng takbo patungo sa kaniyang silid. Kami naman ni Jane ay nagtungo na sa table na iyon. Napanganga na lamang ako when we reached that table. Eh paano ba naman kasi, may bag na nakapatong sa upuan tapos nakabukas pa. Gosh, how careless that girl is? Iniwan niya lang ang bag niya rito. Bakit kaya hindi na lang niya ilagay sa bag niya ang wallet niya? In that way hindi na niya ito makakalimutan pa. Psh. Masyado siyang kumpyansa at walang takot na baka may mawala sa bag niya. Nako, mga mayayaman talaga. Umupo na kami and we just waited for that girl to be here. Ilang minuto no'ng kami ay naupo, dumating na rin ang order niya. My gosh, halos malaglag ang panga ko. Ang dami ng in-order niya, siya lang ba ang kakain nito? Oh my gosh, sana all maraming kain pero slim pa din. "How much?" Tanong ni Jane sa waiter. Kinuha ni kuya waiter ang resibo sa tray at saka tiningnan ito, "two thousand five hundred thirty eight pesos po, ma'am." Pagbasa nito. What the fudge. That girl is a pig! My daily lunch just costs fifty five or sixty five pesos! Psh. Mga mayayamang nilalang nga naman. Binuksan ni Jane ang bag niya tsaka kinuha ang wallet niya, "Here you go," pag-abot nito sa bayad. Ang bait niya naman. Imagine siya pa nagbabayad para sa taong hindi naman niya kilala. "And by the way kuya, can we have uhm..." wika niya ulit at saka nag-isip, "Anong gusto mo, Grace?" tanong niya sa akin. Nagulat ako bigla, "Uhm, just a one cup of rice and a fried chicken." nakangiti kong sagot. "Two cups of rice and two chickens po kuya and uhm..." wika nito sa waiter saka muling nag-isip. "Anong gusto mong drinks and desserts, Grace?" muli na naman niya akong tinanong. Kailangan pa ba ng desserts? "Uhm, mineral water lang. H'wag na desserts." sagot ko. "But why? They serve good desserts." wika niya na may halong pagtataka. "Uhm..." I don't know how to say this. Hindi ko alam kung paano sabihin sa kaniya na nagtitipid ako at wala na akong pera para sa desserts na 'yan. "Ah kuya, just give us two leche flan, two mineral water and three milk shake." wika ni Jane sa waiter habang nakatingin sa mga in-order no'ng babaeng nakabangga sa kaniya. The waiter is jotting down her orders, "Ma'am, I will repeat your orders, two cup of rice, two fried chicken, two leche flan, two mineral water and three milk shake. Did I got it right, ma'am?" "Perfect kuya! dahil diyan may tip ka sa akin." Nakangiting sabi ni Jane at muli siyang naglabas ng pera sa wallet niya at iniabot ito sa waiter. "Thank you po, ma'am." wika ng waiter saka lumisan. I don't know how will I pay for her orders. Inorderan niya pa ako ng leche flan at milkshake, eh I can't afford nga. So, ano na? Kakapalan ko na ba ang mukha kong umutang sa kaniya? "I'm back," napalingon kami sa babaeng umupo sa bakanteng upuan. She is catching her breath. Halatang pagod. "You got your wallet?" tanong ni Jane sa babae. The girl smiled at saka pinakita ang pink niyang wallet, "It's here," sagot niya. "Good! Itago mo na 'yan sa bag mo at 'wag mo na kakalimutan iyan ulit. Baka may mabangga ka na naman." natatawang sabi ni Jane. "Hahaha! Yes master. Anyway, can you please excuse me for a moment? Babayaran ko lang 'tong mga order ko." wika ng babae habang tinuturo ang mga order niya at saka tumayo. "No, no, no. Just sit there. Libre ko na ang lunch niyo ngayon." wika ni Jane na siyang nagpalaglag ng panga ko. What?! The girl blushed and sat back, "Thank you very much! Ang bait mo naman." wika nito. "That is because I am happy today, dahil kaibigan ko na si Grace Fiveash." wika ni Jane saka tumingin sa akin. Kinilig naman ako sa sinabi niya, pakiramdam ko tuloy uminit nang kaunti ang pisngi ko. Didn't expect that someone would really wanna be my buddy. Ibang klase rin 'tong babaeng 'to, kapag masaya pala siya eh nagwawaldas siya ng pera. Sana all na lang talaga. "Oh my goodness! You are Grace Fiveash?" Nagtatakang tanong ng babae. I nodded, "Yes," I said. Bakit naman parang gulat na gulat siya? "Oh my Gosh, hindi mo alam kung paano mo ako napahanga no'ng may quiz bee rito sa university! Don't you know that you were on fire?" Manghang-mangha siya habang kinukwento ito. Napakamot na lamang ako sa aking batok, ayaw ko talaga sa feeling na 'to. I don't wanna be praised or idolized, it makes me uncomfortable. Seriously. "A-Ah, nando'n ka pala." I said. "Everyone was there, you are a well-known, Grace. I can't believe na hindi mo pala iyon alam." Wika ni Jane. Hindi naman sa hindi ko alam, but I know everyone didn't make it as a big deal. Dinadaan-daanan nga lang ako ng lahat eh. Silang dalawa lang naman 'tong ganito ka-mangha sa akin. "Yeah! And you know what, tinalo mo ang kuya ko. He was so proud of himself for being the university's pride until you came and took it from him. Hahaha! Buti nga sa kaniya." she said while clapping her hands. "Sino do'n ang kuya mo?" tanong ko. "Winston Lui," sagot niya. I tried to remember that name and his face, ngunit hindi ko na maalala kung sino do'n ang kuya niya. Sa dami ba naman ng lalakeng sumali no'ng quiz bee. "Oh my gosh! Magkapatid kayo?" Jane asked out of shockness. Halos lahat ata ng matatalino rito idolo ni Jane eh, halos lahat kilala niya. "Yeah, I am Shang Lui, by the way. Nice to meet you, girls." pagpapakilala nito sabay abot ng kaniyang kamay. Iniabot naman namin ito at nakipag-shakehands kami sa kaniya. "Bakit hindi kayo magkamukha ng kuya mo?" Biro ni Jane at saka tumawa. "Hindi ko rin alam eh, baka ampon lang ako." She said and pouted. "Uy, baliw naman 'to. H'wag ka nga ganiyan. Nagbibiro lang ih." wika ni Jane sabay tap ng kaniyang balikat. Natigil ang usapan nang dumating na ang order ni Jane. Ang dami naman at ang init pa, talagang nakakagutom 'to. After Jane paid the bills, kumain na kami. "Thank you so much, Jane." pasasalamat ko habang lumalamon. "Yeah, thank you, friend." pasasalamat rin ni Shang. "Welcome!" Nakangiting sagot ni Jane sa amin. "Can you two be my lunchmate? Wala kasi akong kaibigan sa bago kong section eh, pleeaaaseee," pakiusap niya sabay puppy eyes. Natawa tuloy ako sa salitang lunchmate. "Oo naman," sagot ko habang natatawa deep inside. "Hahaha, eh bakit hanggang lunchmate lang?" natatawang tanong ni Jane. "Ah.. eh.. pwede bang jump kaagad tayo sa pagiging best friends?" tanong ni Shang. Jane shrugged, "Why not, okay lang naman sa amin. Hindi ba, Grace?" she asked me. Tumango ako at ngumiti. Seriously, hindi ko alam kung good thing ba ito o hindi. Baka kasi, people will think that I am just digging their money. After our lunch, naglakad kami nang sabay patungo sa classroom namin. Ang classroom ni Shang ay katabi lang ng aming classroom. We even have the same department and course as well! "Jane, bibilhan na lang kita ng bagong phone." wika ni Shang nang matapat na sa pintuan ng classroom nila. Ngumiti si Jane at sinabing, "Ayos lang 'yon. May extra pa naman ako. Ipapaayos ko na lang 'yon at ibibigay." Whaaat? Ibigay? Deep inside of me, can you just give it to me? Puppy please? "Seryoso ka ba? Eh ang mahal no'ng phone mo eh." kunot noong tanong ni Shang. "Ayos lang, tingnan mo nga ang kapalit no'ng phone ko, nagkaroon na ako ng mga best friends." Ang lapad ng ngiti ni Jane habang sinasabi 'to. Tahimik lang ako. Basta usapang pera, shut up na lang ako kasi wala ako niyan. "Ahhh, nakaka-touch ka naman. Group hug nga tayong tatlo bago ako pumasok sa loob." wika ni Shang at saka niyakap kaming dalawa and we hugged her back. It's so good to have friends but I don't know if having a rich friends is a good thing. After our class, umuwi muna ako sa dormitory ko. Naligo, nagbihis at nag-ayos patungo sa trabaho ko. Estudyante ako sa umaga at call center agent naman ako sa gabi. I just have 5 hours of sleep per day. Bumabawi na lang ako ng tulog minsan kapag may oras pa sa hapon during school hours. --- Criptica_G

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Reckless Hearts

read
258.8K
bc

His Obsession (Tagalog)

read
91.4K
bc

He's Cold Hearted

read
162.5K
bc

The Empire Series: Vance Luanne

read
564.7K
bc

That Professor is my Husband

read
507.6K
bc

A Wife's Secret (Tagalog) COMPLETED

read
8.8M
bc

My Hot and Sexy Baby Maker

read
462.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook