Isang prominente at kilalang pamilya sa San Sebastian ang mga Altamirano, ang lugar kung saan napili ng ina ni Katarina na magsimula ng panibagong buhay matapos takasan ang abusado nilang ama ng Kuya niya.
Pumasok bilang katulong ang ina niya sa pamilya Altamirano at mapalad na pati silang magkapatid ay pinayagan ng mga itong tumira sa mansyon.
Nakilala niya ang bunsong anak ng mga Altamirano--Si Trevor Markus, masungit at arogante, ayon ang naging impresyon ni Katarina kay Trevor nang unang beses silang magkakilala. Tila ayaw sa tao ng binata at lahat na lang yata ay sinusungitan nito. Gayunpaman ay hindi maitatanggi ng dalaga ang paghanga niya sa kagwapuhang taglay nito.
Mas tumindi ang paghangang meron siya sa lalaki nang iligtas siya nito sa kapahamakan. Sa paglipas ng mga araw, tila yelong nalusaw ni Katarina ang ugaling meron si Trevor.
Trevor loves to paint and she became his muse. She's the only person Trevor can paint. Unti-unti ring nadiskubre ni Katarina ang dahilan ng pag-uugaling meron si Trevor.
Naging malapit sila sa isa't-isa ngunit sinira ng isang malagim na pangyayari.
Trevor's father–Senator Troy Paul Altamirano got murdered on the night of Trevor's birthday.
That night, Katarina's mother–Katherine got arrested by the police and later on convicted of murdering the well-known senator Altamirano.
Sampung taon ang matuling lumipas at muling nagkrus ang landas nilang dalawa. Sa kagustuhang mapatunayang hindi ang ina niya ang pumatay sa namayapang senador, natagpuan ni Katarina ang sariling pumapayag sa alok ng bilyonaryong si Trevor–ang sumama sa eksklusibong isla kung saan miyembro ito, walang kaalam-alam sa posibleng kahinatnan ng pagpayag niya.